Una sa Balita

‘Marilyn’ babayuhin ang Luzon, Visayas

0 276

PUMASOK na ng Philippine Area of Responsi­bility (PAR) ang bagyong Marilyn bagama’t hindi ito inaasahang magla-landfall ay ­magdadala ito ng ­pag-uulan sa mala­king bahagi ng Luzon­ at Visayas.

Ayon sa ­Philippine Atmospheric, ­Geophysical, and ­Astronomical Services Administration ­(Pagasa) alas-9:30 nang ­umaga kahapon pumasok ng bansa ang bagyo na hu­ling namataan 1,355 ang layo mula sa Casi­guran, Aurora at ­kumikilos sa bilis na 25kph taglay ang lakas ng hangin na 55kph at bugso na 70kph.

Sinabi ni ­Pagasa forecaster Benison ­Estareja na ang buntot o through ng bagyo ang nakakaapekto sa bansa.

Asahan ­aniya ang katamtaman ­subalit ­tuloy-tuloy na ­pag-uulan sa ­malaking bahagi ng Luzon ­kasama ang ­Metro Manila ­gayundin sa ­Calabarzon, ­Bicol, Mimaropa, ­Aurora, Quirino, Isabela at ­Cagayan provinces.

Binabalaan ang mga residente sa nasabing lugar na maging alerto sa pagbaha at landslide.(Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy