Una sa Balita

Marikina Shoemasters ibabalandra si Anderson

By ,
0 542

Mga laro sa Martes
(Angeles University Foundation)
7 p.m. – Rizal vs Basilan
9 p.m. – Pampanga vs Marikina

TATAPUSIN na ng Rizal, Basilan, Marikina at Pampanga ang kanilang eliminations campaign sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup.

Laglag na sa playoffs ang apat na tropa na maghaharap ngayong Martes sa Angeles University Foundation Arena sa Pampanga, unang sasalang ng 7pm ang Rizal at Basilan habang 9pm naman ang tapatang Pampanga at Marikina.

Tanggal na sa playoffs ang Lanterns at kahit na manalo pa ito sa huling dalawang laro nito ay makakasosyo nito sa eight to ninth place ang Caloocan Supremos, na tinalo sila sa unang stages ng elims.

Ang huling laro ng Pampanga ay sa kanilang balwarte kontra Zamboanga at hindi aniya haha­yaan ni coach Aldrin Morante na mapahiya sila sa harap ng kanilang tagahanga.

Gaya ng Pampanga, gusto rin tapusin ng Marikina ng maganda ang kanilang kampanya sa liga lalo na sa magandang pinakita ni Gerald Anderson sa katatapusan lang na MPBL All-Star Game.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy