Una sa Balita

Marikina magtatayo ng bagong COVID testing center

0 415

Naglaan ng bagong gusali ang pamahalaang lokal ng Marikina upang gawing COVID-19 testing center alinsunod sa guidelines ng DOH.

Dumalo si Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro sa nasabing gusali sa Bayan-Bayanan Avenue upang inspeksyunin ito.

“Pareho lang sa tinayo natin noong una, ‘yon nga lang, ito, nasa isang hiwalay na building na,” ani Teodoro.

Naunang naglagay ang Marikina ng sariling testing center kung saan ginamit ang ika-anim na palapag ng City Health Office building ngunit hindi ito inaprobahan ng Department of Health (DOH) dahil lumabag ito sa tinitignang pamantayan ng “space” at “biosafety”.

Kung kaya sinikap ng LGU ng Marikina na magtayo pa ng testing center upang matukoy agad ang mga nag-positibo sa COVID-19 at mapangalagaan ang mga ito.

“Nakakatakot ‘yong nangyayari dahil sa bawat araw na dumadaan na walang testing center, marami tayong mga kababayan na nasa mahirap na kalagayan,” aniya.

“Walang kasamang ibang opisina, walang ibang kasamang clinic. Ang narito lang ay ang laboratory. Kaya ang tao lang makikita rito at ang mga pathologists ,medical technologists, at lab technicians,” dagdag pa ng alkalde.

Ayon naman kay Engr. Kennedy Sueno ng City Engineering Office, ang bagong gusali para pagtayuan ng COVID-19 Testing Center sa lungsod ay inaasahang matatapos sa loob ng dalawang linggo.

Siniguro naman ng alkalde ang kaligtasan ng kanyang mga nasasakupan at ipapatupad ang mahigpit na implimentasyon at protocol ng biohazard measures. (Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More