Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marikina evacuee na COVID-positive, 5 na

0 61

Limang typhoon evacuee na sa Marikina ang kumpirmadong nahawa sa COVID-19.

“Out of 12,000 na sinurveillance testing sa mga evacuation center, may 153 na naging ‘reactive’ sa rapid test, sa antibody. And out of that 153, may lima, lima tayong nagpositibo [sa COVID-19] at nasa quarantine facilities ngayon ito,” wika ni Mayor Marcelino Teodoro sa ABS-CBN’s Teleradyo, Linggo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang ginagawa natin, early detection. Kaya nag-rapid test, nag-surveillance testing tayo. Sa mga evacuation center, meron tayong 190 contact tracer na dineploy… At tiningnan din namin ‘yung mga nasa community, dahil nga noong bumagyo, nagsilikas, nawala ‘yung health protocol,” saad niya pa.

Dagdag ng alkalde, noong nag-contact trace ay nagnegatibo naman sa coronavirus ang mga nakasalamuha ng limang pasyente. (SDC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.