Una sa Balita

Marikina buy-bust: Kilabot na pusher laglag

By
0 450

Huli ang isang kila­lang tulak matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Marikina Police sa Barangay Parang, kahapon nang madaling-araw.

Ayon kay Insp. Greco Gonzales, hepe ng DEU, matagal na nilang minamanmanan ang naarestong tulak na si Lambert Patriarca, 29-anyos, residente ng Barangay Parang, Marikina City at nang magpositibo sa lugar na nagbebenta ng droga ay agad na nila itong hinuli malapit sa Friendly Compound sa kahabaan ng Raja Soliman St., sakop ng Bara­ngay Parang, bandang ala-1:15 ng madaling-araw.

Ayon sa isang impormante ng DEU, talamak na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ang suspek kaya agad na nag-surveillance ang pulisya at nahuli ang suspek sa isinagawang buy bust-operation nang umaktong buyer ang isa sa mga operatiba ng DEU na nakipagtransaksyon sa nasabing suspek.