Una sa Balita

Marikina buy-bust: 3 timbog, P319K shabu nasabat

0 385

Umabot sa Php 319,600 halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong tulak ng droga sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation ng Marikina Police kamakalawa.

Nakilala ang suspek na si Alvin Moore Velasco, 30-anyos, na ­inaresto alas-11:45 ng gabi sa harap ng Marikina Hotel sa Brgy. Concepcion Dos. Dinampot ito matapos ibigay ang iniskor na droga ng poseur buyer, nakum­piska mula sa kanya ang apat na plastic sachet na naglalaman ng shabu, at tinatayang nasa P183,600 ang halaga, isang unit ng Hyundai Eon, buy-bust at boodle money.
Samantala, dalawa pang tulak ang nasakote ng Marikina City Police Station sa Sta. ­Theresita Village, Brgy. Malanday alas-11:55 ng gabi.

Arestado sina Neogene Paredes, 39-­anyos, at Jomar Cabulagan, 38-anyos, kapwa hindi kasama sa listahan ng unified watchlist ng pulisya kasunod din ng buy-bust.

Nakuha sa kanila ang 10 plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 20 gramo at nasa P136,000 ang halaga at buy-bust money.

Kulong ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More