Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marijuana plantation sa Sulu ni-raid

0 47

Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng mga sundalo at pulis noong Huwebes sa Sulu ang humigit kumulang sa P760,000 na halaga ng marijuana sa isinagawang raid sa isang plantation sa lugar.

Sa pangunguna ng Marine Battalion Team-7 at iba pang ahensiya ng pamahalaan, ni-raid nila ang marijuana plantation na matatagpuan sa Sitio Kanbasih, Brgy. Masjid Punjungan, Kalingalang Caluang, Sulu.

Sinabi ni 4th Marine Brigade and Naval Task Group Sulu Commander Col. Hernanie Songano, na isa itong follow-up operation sa raid noong Marso 26, sa Kalingalang Caluang, Sulu kung saan dalawang plantation ang na- raid.

“We’ve found three sites that are located at Brgy Masjid Punjungan covering more or less one hectare of fully grown marijuana and is allegedly owned by a certain Jaju,” sinabi ni Col Songano said.

“This was all made possible by our concerted efforts with the PDEA- Sulu and Provincial Intel Unit-Sulu PPO. We have burned the marijuana on site and continue to keep an eye on the aforesaid area,” dagdag niya.

Noong isang linggo ang parehong grupo din ay nakasabat ng P80,000 nahalaga ng shabu at P21M na marijuana plantation sa Kalingalang Caluang. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.