Una sa Balita

Marijuana nasamsam sa 2 call center agent

0 334

ARESTADO ang dalawang­ turistang call center agent na galing­ Guiguinto, Bulacan matapos mahulihan ng marijuana ng nagkakahalaga ng P984,000 sa isinagawang checkpoint sa Barangay Samoki, Bontoc, Mountain Pro­vince noong Martes.

Nakilala ng Bontoc Police ang mga suspek na sina Rufino Tenedero Marmito Jr., 20, at Ernie Leongson, 24, ng Guiguinto, Bulacan.

Base sa report ng Bontoc Police Station, sina Marmito at ­Leongson ay pababa na sana ng Bontoc sakay ng isang sasakyan nang parahin sila ng mga pulis sa isang checkpoint sa Brgy. Samoki.

Habang sinasaliksik ang laman ng kanilang sasakyan, dito nakita ng mga operatiba ang 12 brick at mga tubular forming na pinatuyong dahon ng marijuana.

Kinasuhan ng paglabag sa anti-illegal drugs act ang mga suspek. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More