Una sa Balita

Marijuana itinago sa sapatos

0 325

BUKING ang nakatagong sachet ng pinatuyong marijuana sa isang Senior High School student na isiniksik sa kanyang sapatos sa Bacoor City, Cavite.

Kasong paglabag sa Sec. 11 ng RA 9165 ang isinampa laban sa suspek na si John Wilfred Navarro Dailo, 19, Senior High school student ng Bacoor National High School at residente ng Block 2 Lot 8 Saint John St., Addas 2 Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt. Francis Mark Cortez ng Bacoor City Police Station, dakong alas-9:30 Biyernes ng umaga nang ipatawag ang suspek ng kanyang teacher na si Ronie Genido Alvarez dahil sa sumbong ng kanyang mga kaklase na nakita umano siyang nagbabalot ng pinatuyong dahon ng marijuana sa loob ng kanilang class room sa nasabing pampublikong eskuwelahan.

Gayunman, hindi pa man siya kinakapkapan ay umamin na ito na may nakatagong pinatuyong dahon ng marijuana sa kanyang sapatos.

Nang ipahubad ang kanyang sapatos ng guwardiyang si Roilan Sevilla ay nakuha ang tinatayang .05 gramo ng pinatuyong marijuana.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Bacoor City Custodial Center. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy