Una sa Balita

Marijuana business pinasok na ni Jay-Z

0 319

Pumasok sa isang marijuana business ang billio­naire rapper/producer na si Shawn “Jay-Z” Carter na asawa ni Beyoncé Knowles. Kabilang siya sa kompan­yang Caliva bilang chief brand strategist nito.

Inanunsyo kamakailan na opisyal nang magiging parte si Jay-Z sa kompanyang iyon at ito nga ay long-term partnership.

Bilang may pormal na posisyon dito, napagdesisyunan din ng rapper na makipagtulu­ngan sa social justice sa pagdaragdag ng job training sa mga dating preso at nais din niyang tulungan ang mga ito na mapababa ang sentensya o magbigay ng magandang oportunidad sa mga naapektuhan ng “war on drugs.”

“We take this partnership with a lot of responsibility, a lot of humility, a lot of accountability moving forward,” ani Jay-Z.

Ang pagiging bahagi ni Carter sa naturang industriya ay para i-promote ang marijuana bilang medikasyon at hindi sa kung ano pa man.

“We want to create something amazing, have fun in the process, do good and bring people along the way,” dagdag pa ni Jay-Z.

Bukod pa kay Jay-Z, kabilang din na investor o bahagi ng naturang kompanya ang mga sikat na personalidad na sina Joe Montana (football star), Snoop Dogg (rapper), Willie Nelson (singer) at Martha Stewart (TV personality). (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy