Una sa Balita

Marija Debelic magkukuwento sa nakaraan kay Jose Manalo

0 678

By Dondon Sermino

Abangan sa ‘Abantelliling’ ngayon:

Maganda, seksi, masarap kausap, mahusay kumanta, at malakas ang PR, kaya wala ka na talagang ha­hanapin pa sa kanya.

Ganyan nga ang dating ng Croatian model, actress, dancer at singer na si Marija Debelic, na unti-unti ay gumagawa na ng pangalan sa Pilipinas, dahil sa kanyang bagong kanta (single), ang “Dame,” na isang Tagalog song.

“I’m not a Filipina and I was not born in the Philippines but I have lived here for five years now and I’m in love with the Philippines! This is my first all-Tagalog song and I’m very proud of it,” sabi ni Marija.

Well, pinili nga ni Marija ang Pilipinas na gawing second home, matapos niyang maglibot sa mga bansa na tulad ng Slovenia, Serbia, Macedonia, Austria, Germany, Switzerland, France, USA, United Arab Emirates, Macau, China, at Thailand.

Anyway, sa Nominees Night ng Eddys (ng SPEEd) namin unang nakilala at nakausap si Marija. At agad nga kaming nagkasundo na maging guest namin siya sa “Abantelliling” ngayong hapon. Kaya abangan ang nakakaaliw na kuwentuhan, sayawan, kantahan with Marija. Mapapasubo na naman si Rey Pumaloy sa pabonggahan.

Siyanga pala, si Marija ang babaeng kinababaliwan ni Jose Manalo. Alamin kung bakit.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy