Una sa Balita

Marija Debelic iyak nang iyak sa FB

0 540

Tigmak ng luha at paga-alala ang model na si Marija Debelic dahil sa naganap na malakas na lindol sa kanyang bansa, ang Croatia.

Sa Facebook ay ibinahagi ng singer ang ilang larawang kuha sa kanilang lugar. Makikita ang damage na nilikha ng lindol, sa mga bahay, ospital at iba pang mga establishment doon.

Naging emosyonal si Marija hindi lang sa awa sa kanyang bansa kundi maging sa mga mahal nya sa buhay na apektado ng pinsala.

Wala namang namatay o nasugatan sa pamilya at kaanak ni Marija, yun nga lang sumabay pa ang lindol sa COVID-19.

Walang magawa si Marija kundi ang humingi ng dasal sa mga netizen para sa kanyang mga kababayan at donasyon sa mga apektado ng lindol. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More