Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mariel tanggap ang pagkukulang ni Robin

0 242

Sa kabila ng mga naging chismis sa kanilang relasyon nitong mga nakaraang araw, naging bukas si Mariel Rodriguez-Padilla sa pagkukwento tungkol sa pagsasama nila ng asawang si Robin Padilla sa digital talk show ng Star Cinema na “I Feel U.”

Ayon kay Mariel, ngayon lang talaga niya na-appreciate si Robin bilang asawa, pag-amin niya sa chikahan niya kasama ang BFFs at kapwa Kuya’s angels niyang sina Toni Gonzaga at Bianca Gonzalez.

Inamin niya ito nang tanungin siya ni Toni kung ano ang best marriage advice na nakuha nila sa isa’t isa.

“Ako gusto ko ‘yung sinabi mo one time na na-appreciate mo si Paul during this time. So na-realize ko, ‘Oo nga noh. Sobra kong na-appreciate si Robin ngayong panahon na ito, mas lalo,’” sey ni Mariel.

Sinagot naman siya ni Toni ng, “Parang instead of looking at what’s missing or their flaws, you look at it at a different light, what you appreciate about them.”

Bagama’t hindi napag-usapan ang chismis na kinasasangkutan ngayon ni Robin, sabi ni Mariel na kesa raw tignan niya ang mga pagkukulang ni Robin, mas nag-focus siya sa kabutihan nito. Happy din daw kasi siya sa teamwork nila bilang mag-asawa dahil salitan sila sa pag-alaga sa kanilang mga anak kapag busy sa trabaho ang isa at lalong tumitibay ang samahan nila dahil tinutulungan din niya si Robin sa mga taping nito sa bahay. (DS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.