Una sa Balita

Mariel talbog ni Sandy as ‘Bashing Queen’

By
0 4,710

Ang saya-saya ng management contract signing kahapon ni Mariel de Leon sa LVD Management & Consultancy Services ni Leo Dominguez dahil sa kaingayan ni Manay Lolit Solis, ‘noh?!

Ang lakas-lakas ng pagkaka-dialogue ni Manay Lolit nang makita ang nanay ni Mariel na si Sandy Andolong-de Leon.

“Naku, siya ang original na Bashing Queen, ‘noh?! Noong bago pa lang sila ni Boyet (Christopher de Leon), wala pang social media, bina-bash na siya ng Noranians. Hahaha! Kung ano-ano ang tawag nila kay Sandy noon. Binabato-bato pa siya ng ibang Noranians. Hate na hate siya!” talak ni Manay Lolit.

Noon nga raw 1983 na ipanganak ni Sandy ang panganay nila ni Christopher na si Sandino, may iba pang Noranians na nagpunta sa hospital para istorbohin si Sandy.

“Hahaha. Noon nga, wala pang cellphone, magtataka ka talaga kung paano nila nakukuha number ni Sandy at natatawagan, ha!

“Noong nanganganak nga siya sa hospital, nasa labas ang ibang Noranians at nagra-rally sila. Inaabangan talaga nila na lumabas si Boyet at inaaway-away. Binabato rin nila. Nakakairita na nakakatawa nga.

“Iba pa ang bashing noon, mas nakakaloka dahil personal ka nilang pupuntahan para away-awayin, pero naka-survive naman si Sandy, kaya talbog niya si Mariel. Hindi original na biktima ng bashers si Mariel dahil nauna ang nanay niya. Hahaha!” tatawa-tawang diaogue ni Manay Lolit.

Napunta naman ang tsika ni Manay Lolit tungkol kay Christopher na nagkasabay ang series sa ABS-CBN at GMA 7.

Nasa Sana Dalawa Ang Puso ng Kapamilya network si Christopher at kasama rin ito sa Kambal, Karibal ng Kapuso network.

Tsinugi na ang character ni Christopher sa Kambal, Karibal dahil hindi na naniwala ang mga taga-Siyete sa dialogue ni Manay Lolit sa kanila na papatayin na ang tatay ni Mariel sa Sana Dalawa Ang Puso.

“Dapat papatayin pa lang ang character ni Boyet sa Kambal, Karibal sa third week of April, pero nabuking-buking nga nila na hindi pa pala namamatay ang character niya sa Sana Dalawa Ang Puso, kaya hindi ko na sila mabola-bola pa, kaya pinatay na nga nila si Boyet sa Kambal, Karibal. Wala na akong magawa, ‘noh?!”

Sabi pa ni Manay Lolit, natatawa na lang siya sa mga kagagahan niya kapag inuusisa siya ng mga taga-TV network tungkol sa shows ng kanyang mga alaga.

“Hayaan mo na, alam naman nila na gaga-gaga ako, ‘noh?!” sey pa ni Manay Lolit.

Sa ingay ni Manay Lolit, parang natabunan niya si Mariel sa sariling management contract signing ng dalaga, huh!