Una sa Balita

Mariel magma-migrate na sa New York

0 738

Alam mo, Dondon, all set na si Mariel de Leon sa pag-alis pa-New York City.

Actually, pati mga damit at mga importanteng gamit na kailangan niyang dalhin sa pagma-migrate niya roon ay ayos na ayos na.

‘Yung mga damit nga niya, naayos na niya sa vacuum-sealed plastic bags days ago pa dahil ayaw naman ni Mariel na last minute niya ‘yon gagawin at nakaka-stress nga naman, huh!

Bale two years din kasing titira sa New York City ang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong dahil sa contract niya sa isang modeling agency roon.

Sa November ay madadalaw si Mariel ng kanyang parents dahil may four shows sa Amerika si Christopher kung saan ay kasama ng aktor sina Edgar Mortiz at Tirso Cruz III.

Sabi ni Sandy nang maka-text ko siya kahapon, “Yes, may four shows si Bo through Lerma dela Cruz, she’s the promoter, bale iba’t ibang producers sila Bo, Bobot at Tirso. Pero maiiwan muna ako sa New York City for two weeks at one week naman sa San Francisco.”

Madadalaw nga nina Christopher at Sandy ang mga anak nila na based doon.

Sabi nga pala ni Mariel, kapag wala naman siyang masyadong trabaho sa New York City ay uuwi pa rin naman siya sa bansa at mag-i-schedule rin ng ilang showbiz works ang manager niyang si Leo Dominguez habang nagbabakasyon siya rito.

Bigla nga pala nag-text ng bandang 2:40PM (Martes) kahapon sa akin si Mariel at sinabing, “I moved my flight to October 21,” ang message ni Mariel.

Catriona reyna ng kagandahang loob

Alam mo, Dondon, once na matapos na ang reign ni Catriona Gray bilang Miss Universe 2018 ay siguradong mas marami pa ang kanyang magiging project dito sa bansa.

Exciting din kung tuluyan niyang papasukin ang mundo ng showbiz.

Sa mga balita at kuwento kasing naririnig ko about Catriona ay parang ang bait-bait talaga niya.

Noong mag-dinner kami ni CEB (Cinema Evaluation Board) Chairperson Christine Dayrit at ng friend naming si Romelda Martinez sa Grand Café 1919 sa Binondo, Manila, nakatsikahan namin si Willie Yu at may maganda siyang kuwento tungkol kay Catriona.

Nang mag-shoot pala sa Binondo ng isang endorsement si Catriona ay ang second level ng Grand Café 1919 ang naging standby area niya.

Eh, bago pa siya naging Miss Universe 2018 ay nakatrabaho ng anak ni Tito Willie, si Willie Anne Yu, si Catriona, sa isang jeans brand.

Ang ginawa raw ni Tito Willie, bumili ng pastries and bread at umakyat sa taas ng Grand Café 1919 at kinausap ang isang involved sa endorsement shoot ni Catriona.

“Sabi ko sa taga-production, pinabibigay ng anak ko ang goodies dahil nagkatrabaho na nga sila noon. Pinadala ko ang phone ko para makita ni Catriona ‘yung picture na magkasama sila ng anak ko at pagbalik no’ng tao, may ibinigay na note sa akin galing kay Catriona. Nag-thank you siya sa anak ko for the goodies at nangumusta rin. Ang sweet.

“Nang bumaba na si Catriona, ipinakita ko sa kanya ang note na ibinigay niya for my daughter, and super smile siya. Ang bait talaga!” sabi pa ni Tito Willie.

Well, so nice to hear ng magagandang kuwento about Catriona na malayo sa kuwento sa ibang beauty queens na mga supladita, ‘noh?!

Right, Dondon?

Juday bongga ang pagbabalik

Positive ang feedback ng viewers sa pilot telecast ng “Starla”, ang pagbabalik-primetime series ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN.

Ang bongga rin dahil kasama roon ang Kapamilya network lady boss na si Ms. Charo Santos-Concio.

Sabi ni Juday, proud siya sa “Starla” dahil pambata nga ‘yon at puwedeng mapanood ng kanyang mga anak.

Ang bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy