Una sa Balita

Mariel kinamumuhian na rin dahil kay Robin

0 790

Pinagtitripan si Robin Padilla ng netizen ngayon at parang ito ang itinuturong diumano ay aktor na nanapal ng P50,000 sa isang fan para tumahimik ito at hindi na magreklamo pa.

Naka-post sa twitter ni @PinoyAkoBlog ang blind item.

“Eh, ‘yung biglang na-pack up ang shoo­ting kasi sinapak mo ang isa mong fan? Tinapalan mo ng P50K kaya yung kawawang fan na nasapak, tumahimik na lang? #LakasTrip.”

Hindi tinukoy sa blind item kung sino ang aktor, pero sa comment section ng post, may nag-poste ng throwback video nina Robin at Richard Gomez na nagkainitan at nagkasuntukan sa “Star Olympics” noong Dekada 90s.

Sey pa ng isang netizen na may account name na @RjayReyes16, i-tag na raw ang tweet kay Robin Padilla, na tila naniniwala itong ang huli ang tinutukoy sa blind item.

Isinasawsaw pa ang pangalan ni Mariel sa tweet at tinatanong sa kanya kung bakit nanapak si Robin. Nagpasaring naman ang isang @HighJumperX kay Mariel at ipinaparamdam nitong hindi dapat bumalik pa sa Showtime ang misis ni Robin dahil nakakahiya na.

Bagama’t, sinasabing si Mariel ang dahilan ng apology ni Robin sa unang pagbuga nito ng komento sa isyu ng ABS-CBN, idinadawit pa rin ito sa gigil ng netizen sa actor.

Carlo malaki ang utang na loob sa Dos

Hindi natitinag ang ABS-CBN 2 sa banta nang pagbawi ng prangkisa, pagpapasara sa kanila, dahil patuloy pa rin sila sa pagpapa-renew ng kontrata sa kanilang mga artist.

Sunod-sunod nga na pumirma ng kontrata sina Ogie Alcasid, Karla Estrada, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, Carlo Aquino.

“Nong 90s pumasok ako sa ABS, sila ang nagsanay sa aking umarte, makasayaw at kahit paano makakanta. Malaki ang pasasalamat ko noon, hanggang ngayon. Isang malaking karangalan maging Kapamilya muli. Hindi ko po sasayangin ang pagkakataong ito. #InTheServiceOfTheFilipino,” sabi ni Carlo.

Nangangahulugan lang na magtutuluy-tuloy sa ere ang Kapamilya habang dinidinig ang problema ng prangkisa sa Kongreso.

Bumira kay Evangelista nag-sorry

Agad na nakara­ting sa netizen na nagsabing peke si Heart ang sagot ng aktres na.

“You don’t have to wonder. Just don’t care. We are different but that’s still fine. Wonder about other things that make your heart spark.’
Humingi nga siya ng tawad kay Heart.

“I never thought you’d actually see this, but I apologize if I came off as a bit rude. And you’re right, I shouldn’t just assume right off the bat. That was my mistake. Thank you for being so kind to my slight stupidity anyway.”

Loisa nilampaso ang kaseksihan ni Awra

Nakipagsabayan sa pagpapa-sexy ang baklitang Kapamilya talent na si Awra Briguela kay Loisa Andallo. Hindi nagpaawat si Awra na tumapat kay Loisa suot ang isang one-piece bikini, samantalang two piece swimsuit naman ang suot ng Kapamil­ya actress.

Nag-emote nang todo si Awra at nag-tip toe pa para lang maiporma niya ang kanyang katawan, ganon din naman si Loisa, habang nasa isang beach resort sila.

Siyempre, dahil tunay na babae at napakaputi ni Loisa hindi umubra ang bikini body ni Awra sa porma ng kaseksihan ni Loisa. Ganon pa man, nanganib din naman ang arrive ng bikini post ni Loisa dahil sa karakter ni Awra, at kahit paano ay may sipa rin naman ang bikini body ng baklita, kahit pa nga mukhang barbelista ito.

Jhong Hilario katropa ni Manuel L. Quezon

Sa gitna ng tensyon sa isyu ng ABS-CBN 2 shutdown, nagbigay naman ng aliw si Jhong Hilario sa kanyang mga follower sa pinoste niyang historical photo ng mga kilalang bayani ng Pilipinas.

Umayon ang mga fan, supporter ni Jhong sa kanyang post na reincarnation siya ng isa sa mga karakter sa larawan. Masisilip sa Instagram ni Jhong ang rare photo clip na magkasama sina da­ting Presidente Ma­nuel L. Quezon, Amado Araneta, Sergio Osmeña at nilagyan ng pangalang Jhong Hilario. Ang original na photo ay kasama pa si Alfredo Montelibano at isa pang natatakpan na lalake.

Kuha ang larawan noong 1922 habang nakalublob sa isang batis ang grupo, hawak ang isang metal basin. Hindi pinangalanan ang lala­keng katabi ni Quezon kaya nilagyan na lang ito ng isang editor ng pangalang Jhong Hilario, matapos itong paliitin at i-cropped para apat na lang ang lumabas sa larawan.

Hindi masasabing memes ang larawan dahil authentic original shot ito, na nilagyan ng pa­ngalan ng “It’s Showtime” host dahil kamukha niya ang la­lake lalo ang hugis ng mga mata at ilong, pati na ang pagkakangiti nito. Sinakyan naman ito ni Jhong.

“Kumakalat sa Social Media…Ok aamin nako. 2nd life kona to, from RYTM,” sabi ni Jhong.

Walang kumontra sa post dahil kumbinsido ang mga follower ng Makati councilor sa malaking pagkakahawig niya sa isa sa mga kasama ni Quezon sa larawan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More