Una sa Balita

Mariel huling ‘babae’ sa buhay ni Robin

By
0 3,843

Tinuldukan na ni Robin Padilla ang posibilidad na magkaroon pa siya ng panibagong babaeng mamahalin. Ang mi­sis niyang si Mariel Rodriguez Padilla na nga raw ang huling babae sa buhay niya.

Sa presscon ng bagong teleserye ni Robin na Sana Dalawa Ang Puso, inamin ni Robin na nagagandahan siya kay Jodi Sta. Maria. Pero, hanggang ganun na lang daw  siya sa mga babae ngayon.

Iginiit ng action star na hindi na siya manliligaw pa ng ibang babae. Matanda na raw siya para magloko at maghanap pa ng ibang babae.

Bagamat, kinailangan daw niyang ma-in love sa kanyang mga leading lady, sa character na ginagampanan niya, wala raw siyang balak na gawin itong totohanan.

Sa isang komento at reaksyon ni Ro­bin, lumalabas na malaki ang respeto at pagmamahal niya kay Mariel at hindi niya ito sisirain.