Una sa Balita

Mariel hanggang Oktubre na lang sa Pilipinas

0 423

Modelo na sa New York:

abante-anything-goes-jun-lalinBy October, aalis na pala ng Philippines si Mariel de Leon. Pa-New York City na ang beauty queen-actress­ daughter nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Bale tinatapos lang ni Mariel ang “D’ Ninang” movie ng Regal Entertainment na pinagbibidahan ni Ai Ai delas Alas pati ang “Barbara” digital movie nila ni Nathalie Hart at magba-babu na siya.

May mode­ling contract kasi sa New York City si Mariel dahil nag-sign up nga siya sa True Model Ma­nagement sa lugar na ‘yon.

Actually, isa ‘yon sa mga inasikaso ni Mariel nang magpunta siya roon kamakailan.

Oo nga pala, may mga alagang pusa si Mariel at noong una ay inisip niyang ibenta ang mga ito, pero nang makausap ko siya kahapon ay sinabi niyang, “I’m going to bring them na lang with me to New York kasi na-attach nako sa kanila kasi super cute nila haha.”

Inayos na raw niya ang mga dapat ayusin para maisama niya sa New York City ang kanyang mga alagang pusa.

Samantala, kapag may projects naman daw ay babalik at babalik siya at hindi naman niya tuluyang tatalikuran ang showbiz!

Aktor nilayasan na ang manager

Tanong sa akin ng isang talent ma­nager, “Si (name ng isang aktor na ka-live in na ang kanyang ka-love team) ba totoong wala na sa (pangalan ng management team nito). Last event daw ‘yung sa premiere night na pinuntahan niya.

“‘Yung taga-(pangalan ng management team) niya ang nagkuwento,” at napa-“Really?” na lang ako.

Dagdag pa ng kausap ko, “‘Yun ang chika. I don’t think naman magsisinungaling ‘yung nagsabi sa akin. Hindi lang daw nila alam kung saan lilipat o kung may new manager na.”

Well, kung totoo man ito, baka sumigla uli ang career ni aktor lalo na at medyo napag-iwanan siya lately ng ilang mga ka-level niya, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy