Una sa Balita

Mariel de Leon nagpasilip ng boobs sa men’s mag

By
0 1,932

May pasilip ng left boob ang beauty queen turned actress na si Mariel de Leon sa digital edition (wala na silang print copy) ng isang men’s ma­gazine. Kahapon nga ay lumabas na ang sexy pictorial ni Mariel at marami ang nagulat.

May ibang mga nagtanong pa kung alam ba nina Christopher de Leon at Sandy Andolong na pumayag magpa-sexy pictorial ang kanilang anak?
“Nagpaalam muna si Mariel sa parents niya bago namin tinanggap ang offer para sa sexy pictorial na ‘yon, kaya hindi magugulat sina Boyet at Sandy,” sabi ni Leo Domi­nguez, manager ni Mariel.

Diniscuss naman daw sa kanila ang lahat ng de­talye tungkol sa sexy pictorial na ‘yon bago ginawa ni Mariel.

“Maganda naman lumabas, happy si Mariel!”­ sabi pa ni Leo.

Samantala, marami ang nakapansin na ma­laki na ang ipinayat ni Mariel sa sexy pictorial niyang ‘yon. Sabi ng mga malalapit kay Mariel, pinaghandaan talaga niya ang sexy pictorial na ‘yon.

Nag-diet and exercise raw ang dalaga. Next week, nakatakdang humarap sa entertainment press si Mariel para pag-usapan ang mga plano niya sa kanyang showbiz career, kaya siguradong matatanong din siya kung ano ba talaga ang naging reaksiyon ng kanyang famous parents sa ginawa niyang pagpapa-sexy sa pictorial na ‘yon.