Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marichu ang peg: Vice nairita sa mga pangit na chika ni Vhong

0 301

Tinawag na “Marichu” ni Vice Ganda ang kasamang host sa It’s Showtime na si Vhong Navarro. Kasi raw, si Vhong daw ang “ma-chu-chu” sa kanya ng mga hindi magaganda o pangit na nangyayari, lalo na sa show nila.

Kapag may napansin daw kasi ito, naka-chuchu agad sa kanya. In effect, naapektuhan daw siya minsan.

Sabi ni Vice, “Alam niyo ugali ni Vhong, ‘yung araw-araw, meron siyang ibubulong sa akin or ituturo na mga hindi magagandang nanyayari or mali or pangit.

“So ang dami kong nakikitang mali. Tapos, ‘pag nag-init ang ulo ko, sasabihin niya sa akin, ‘bakit ang unit na naman ng ulo mo?’ Sa dami ng pini-feed mo sa aking nangyayaring masama?!”

Kaya sey ni Vice kay Vhong, “Siya si Marichu! ‘Yung kumare mong ma-chu-chu.”

Maxene tinapos na away kay Saab

Ang daming natuwa at ang ibang netizens, nag-comment din na “Bakit parang maiiyak ako?” sa naging Instagram post ni Maxene Magalona sa kaarawan niya.

Hindi lang kasi si Maxene ang may birthday, ang kapatid din niya na si Saab Magalona. Pero alam ng karamihan na matagal na rin silang may problema o hindi pagkakaunawaan.

Habang sinusulat namin ito, hindi kami sigurado kung nagkausap na ba sila o okay na silang magkapatid. Kung mapapansin, halos taon na yata na hindi nila name-mention man lang sa mga social media post nila o nakikitang magkasama sila.

Tiningnan din namin kung pina-follow nila ang isa’t isa sa Instagram, pero lumabas na parehong naka-unfollow pa rin sila sila sa isa’t isa.

Pero si Maxene, nag-post ng lumang picture nilang magkapatid at binati si Saab. Sabi ni Maxene, “Sisters don’t need daily conversations. They don’t always need to be together. As long as they live in each other’s hearts.”

“Happy Birthday @saabmagalona!

“This is my soul honoring yours. God bless you always.”

Sa isang banda, ang isa naman sa malapit na kaibigan ni Maxene na si Angelica Panganiban ang nag-post at nag-honor sa kanya. Nag-post din si Angelica ng picture nila ni Maxene noong mga bata pa sila at magkasama sa show.

‘Yun nga lang, sa greeting ni Angelica, nagtatanong ang netizen, sino raw si “Dear Daniel?” huh!

Sabi ni Angelica for Maxene, “My sizzzy my sizzzy!! My strong sizzzy!! November 23, a super woman was born, a super woman that stood up the challenges in life. Took it with grace and compassion. She forgives even prayed for the people that hurt her. She’s not perfect, she has flaws, but her strength? Her kindness… her kind soul. May all of your prayers be heard especially today my sizzzy. Happy happy birthday @maxenemagalona I love you hello witty. Love, Angge & Dear Daniel.”

Jennica sinita ng ama sa pagpapaseksi

Ipinost muli ni Jennica Garcia ang binura na niyang post niya sa Instagram, na kung saan ay sinita raw siya ng kanyang Tatay, ang dating actor na si Jigo Garcia.

Naka-two piece si Jennica at nakaharap sa camera, pero dinilete niya nga agad nang matanggap ang text ng ama.

Muli niyang itong ipinost para raw sa mga naku-curious kung ano ba ‘yun, pero this time, inedit ni Jennica at nilagyan ng palda.

Sabi ni Jennica, “Yung mga late nagising, hindi nakita kung ano yung binura ko sa kaba ko sa “bakit’ ni Papa.

“Ito lang po yun, yung iba kasi iba po ata iniisip. Kung ano pose ba ‘yun. Naiintindihan ko naman po.

“Ito na po mismo yun kaya lang kanina naka-bikini bottom. Ngayon tinakpan na po natin ng skirt na transparent background galing Google para di na po kayo mag-isip masyado kung anong klaseng photo ba at saan mahahanap. Para di rin tayo masermonan ni Papa.

“Tawang-tawa po ko sa second picture… Nagco-compose na pala ng message sakin Papa ko. Sige, tawa pa. May kalalagyan ka.”

Para naman sa mga netizens na nakakita ng original post niya, wala naman daw silang makitang malaswa and in fact, “Mommy goals” nga raw si Jennica na dalawa na ang anak, pero sexy pa rin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.