Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maricel ‘pinalayas’ ni Iza

0 136

Puso ng isang anak ang nawarak nang malaman ni Ellice (Iza Calzado) na may alam ang inay-inayan niyang si Lucing (Maricel Soriano) sa sikreto nina Marissa (Jodi Sta. Maria) at Gabriel (Sam Milby) sa seryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Pakiramdam ni Ellice na para rin siyang pinagtaksilan ni Lucing sa pagtakip nito ng katotohanan na anak nina Marissa at Gabriel si Baby Jacob. Agad niya itong pinalayas at hindi hinayaang magpaliwanag.

Patong-patong na nga ang hinanakit niya matapos siyang baliktarin ng kanilang dating Chief Finance Officer nang siniwalat niya sa board ang nalamang mga anomalya sa kompanya.

SM food to go Banner Ad

Kahit ipilit niya kay Gabriel na tama ang kanyang akusasyon, mas pinaniwalaan ng kanyang asawa si Marissa.

Sa nangyari, ano kaya ang susunod na hakbang ni Ellice para mapatunayan ang kanyang mga akusasyon? Kailan din kaya niya isisiwalat sa lahat na alam na niya ang tinatagong sikreto ng dalawa?

Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay mapapanood sa A2Z channel sa marathon telecast nito tuwing weekend at ang bagong episodes nito gabi-gabi. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.