Una sa Balita

Maricel movie sa Nob. 27 na ipapalabas

0 390

Alam mo, Dondon, marami ang na-sad nang hindi mapasali sa eight official entries ng Metro Manila Film Festival 2019 ang “The Heiress” movie ng Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde.

Pero marami rin ang natuwa dahil napaka-positive pa rin ng dating ni Mother Lily na um-attend sa announcement ng four more official entries ng MMFF 2019 sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan noong Wednesday afternoon.

Akala ng marami roon ay magtatataray at magwo-walkout si Mother Lily, pero naka-smile pa rin siya at very graceful na naglakad palabas ng Club Filipino pagkatapos ng event.

Wala ring sinabing kahit na ano ang itinuturing na isa sa pinakapamosong movie producer.

Sabi pa ni Mother Lily, “Good vibes lang. Sports lang!”

So, after nga ng announcement ng MMFF 2019 ay move on na si Mother Lily at may announcement na kaagad sila ng anak na si Roselle Monteverde na sa November 27 na ang showing ng “The Heiress” na pinagbibidahan nina Maricel Soriano at Janella Salvador.

Nailabas na rin ng Regal Entertainment ang trailer ng “The Heiress” at positive ang feedback, huh!

Marami nga ang nagsasabing mukhang aariba sa takilya ang horror movie nina Maricel at Janella.

Ang bongga!

Mga Pinoy abroad balik ‘Pinas para sa Sharon-Regine concert

Kahapon, marami sana akong lakad, pero siyempre, mas pinili ko ang pumunta sa Araneta Coliseum para sa run thru ng “Iconic” concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid.

Mamaya at bukas na ang “Iconic” ng Megastar at Asia’s Songbird, pero I took the opportunity na na mapanood ang run thru no’n kahapon.

Hindi na kasi ako makapaghintay. Hahaha!

Anyway, mamaya, alam mo ba, Dondon, na maraming mga kababayan tayo abroad na mga fan nina Sharon at Regine na manonood ng “Iconic”?

Marami nga ang nag-uwian para manood ng “Iconic” mamaya at bukas.

May friend nga kami ni Susan Teng from Tokyo, Japan na darating bukas sa bansa para manood ng “Iconic”.

Ang bongga!

Anyway, magkukuha ako ng highlights and sidelights sa “Iconic” concert mamaya at bukas para ipalabas sa “Anything Goes” show ko on Monday sa Abante News Online page sa Facebook.

Oo nga pala, Dondon, natuwa lang ako sa sobrang dami ng mga sponsor ng “Iconic” na nag-support din sa two presscon na in-host, kaya ang daming giveaways sa naipamigay sa press and bloggers.

Siyempre, gusto kong pasalamatan, pati nina Sharon at Regine at ng producers na sina Cacai Velasquez-Mitra, Tita Sandra Chavez at Nancy Yang, ang presenters ng concert, ang PLDT Home, San Miguel Corporation, Pagoda Philippines, Family Rubbing Alcohol ang major sponsors sa pangunguna ng Front Row, Katinko, McDonald’s, Jollibee (bihirang mangyari na parehong sponsor ang dalawang fastfood-chain), The Aivee Clinic at GAOC.

Official Residence naman ng “Iconic” team ang Novotel Hotel Manila sa Araneta City at minor sponsors ang Kaiser International Health Group, Inc., Regent Foods at Luxent Hotel.

Ang bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy