Una sa Balita

Maricel mas magaling kina Vilma, Sharon, Lorna

By
0 3,262

Para raw bumalik lahat kay Maricel Soriano ang heyday niya nang muli niyang maramdaman ang kakaibang excitement sa pagkakaroon ng screening ng digitally restored film niyang Ikaw Pa Lang Ang Minahal.

Isa nga kami sa muling nakapanood ng 1992 classic film na pinagbidahan ni Maria sa bago nitong format na mas malinaw pa sa dati at kitang-kita talaga ang mga detalye ng shots kaya’t nakakaengganyong panoorin.

Napakagaling palang talaga ni Maria sa naturang movie at wala ngang katarungan na inisnab siya ng mga award-giving bodies that year.

Tama nga si Maricel sa sinabi niyang dapat ay nanalo siya ng award sa naturang pelikula pero bilang konsolasyon ay okey lang daw dahil mas na-inspire raw siya bilang aktres after that said film.

Bukod tanging ang Young Critics Circle ang nagbigay sa kanya ng award, kaya nagtataka kami kung bakit sinasabing naka-score ng grandslam si Lorna Tolentino (na nanalo sa lahat ng major award-giving bodies) that year for Narito Ako? Or sadyang hindi pa recognized that time ang naturang critics group kaya dedma ang industry sa kanila?

But 26 years after, at sa mga manonood uli ng movie, you will agree with me when I say na dapat ngang nabigyan ng award dito si Maria kahit pa nga ang mga nakalaban niya that time sa lahat ng award-giving bodies ay sina Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Laxa, Nanette Medved at si Lorna Tolentino nga!

Mark ayaw nang pag-usapan ang video scandal

Tawa kami nang tawa sa ganting sagot ni Jennylyn Mercado during the presscon of The Cure ng GMA 7, sa isyu ng video scandal ni Mark Herras.

Magkakasamang muli ang dalawa sa naturang soap ng Kapuso network though si Tom Rodriguez ang ka-tandem dito ni Jen.

Diretso kasing nakiusap ang dating ka-love team ni Jen na bukod sa lumang isyu na daw ang sex scandal niya eh wag na raw itong gamitin pa lalo na at may bago na siyang karelasyon ngayon.

Nauwi nga sa biruan at halakhakan nang may magtangkang kunan ng reaksyon si Jen at sumagot itong, “parang gusto kong mapanood muna”.

Jennylyn feeling action star

Still on Jen, nakorner namin ito after nitong sumagot sa mga isyung proposal ng bf nitong si Dennis Trillo at iba pa.

Bukod sa pagiging maganda, masaya at kuntento daw siyang talaga sa kanyang lovelife at pagpapalaki ng anak, lalo umanong nawala sa plano niya ang lumagay sa tahimik dahil sa bago niyang teleserye na The Cure.

“Ngayon pang excited akong maging action star?” ang tumatawa pang sey nito sa amin habang inilalarawan ang mga ginawa niya at gagawin pa daw na action scenes o stunts sa soap.

Kaya napatanong tuloy kami kung may pinaghahandaan ba siya sa pag-aaral niya ng mga stunts?

“Dapat noh. Ke merong pinaghahandaan o wala, dapat talaga ang bawat isa marunong ng self defense o maalam sa mga action-action para mas masaya,” sabay emote ng mga kamay sa amin na parang isa siyang kung fu master hahahahaha!

‘Yun na!