Una sa Balita

Maricel applauded sa event ni Nora

By
0 62
Maricel, Coco, Nora at Mother Lily
Maricel, Coco, Nora at Mother Lily

Naging matagumpay ang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Superstar na si Nora Aunor noong Sabado ng gabi sa Sampaguita­ Gardens. Kumpleto sana ang kaligayahan ni Ate Guy kung dumalo ang isa niyang anak na si Lotlot de Leon sa okasyon. Pero, may taping daw kasi ito kaya hindi nakadalo.

Sa dami ng mga du­malong fans ni Nora, naging masikip ang venue at ang iba ay nakatayo na lang. Kahanga-hanga­ ang ibang tagasuporta­ ng aktres na ang iba ay galing pa sa malalayong lugar. Bakas sa mukha ni Nora ang kasiyahan sa inihandang selebrasyon sa kaniya ng mga ito.

Kabilang sa mga artista at kasamahan niya sa industriya na pumunta ay sina Mother Lily, Glaiza de Castro, Cocoy Laurel, Bernardo Bernardo, Edgar Allan Guzman, Patricia Javier, Ricky Lee at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Umani ng malakas na palakpak ang mensaheng ibinigay ng Diamond Star sa Superstar sa sinabi nitong “Sa aking nag-iisang Superstar. Mahal na mahal kita Ate Guy.”

In fairness, ang ganda-ganda ni Maria nung gabing yun.

Bukod kay Maricel, well applauded  din si Cocoy Laurel habang kinakantahan niya si Nora ng Lollipops and Roses na siya rin na title ng pelikula nilang pinagsamahan. Kilig na kilig ang mga fans habang hinaharana ng dating ka-love team ang aktres.

Pacquiao, host ng religious show sa GMA

Nora at Cocoy
Nora at Cocoy

Hindi naman nagrereklamo si Jeric Gonzales sa sitwasyon niya sa GMA ngayon. Matagal na kasi siyang walang regular show at hindi naman problema sa kanya ito dahil madalas siyang napapanood sa iba’t ibang programa ng GMA bilang guest star. Sinabihan naman daw siya na may upcoming regu­lar show soon. Ang importante ay hindi siya nababakante bukod pa sa pagiging busy niya sa kanyang singing career. May plans siya na maglabas ng isang single sa isa sa mga sikat na recording company.

Ngayon ay abala si Jeric sa pag-guest sa bagong show ni Senator Manny Pacquiao na mapapanood sa SNBO ng GMA every last Sunday of the month. Gaya ng wish ni Manny ay isang religious program ito na nagtatalakay sa mga istorya ayon sa Bibliya.

The Prodigal Son ang peg na ginagawa ni Jeric with Martin del Rosario at Juan Rodrigo. Ang pilot episode nito ay October 29 na.