Una sa Balita

Maribao kampeon sa Angel’s Cup

0 132

PINAGHARIAN ni A­lexis Emil Maribao ng Quezon City ang katatapos na 1st Angel’s Cup 2200 and Below Open Chess Tournament na ginanap sa Metro Town Mall sa Tarlac City.

Nakalikom si Maribao, pambato ng Novelty Chess Club, ng 6.5 points mula six wins at draw para magkampeon sa seven-round tournament.

Nakopo ni Michael Concio, Jr. ng Dasmariñas City, Cavite ang second place matapos manaig sa tiebreak point, nakapagtala ito ng anim na puntos kapareho nina Aljie Cantonjos ng Gingoog City; Godfrey Villamor ng Manila at Dandel Fernandez ng Quezon City.

Lumanading naman sina Cantonjos, Villamor at Fernandez sa third, fourth at fifth, ayon sa pagkakahilera.

Magkasalo sina National Master Romeo Alcodia ng San Manuel, Tarlac; Arena Grandmaster Almario Marlon Bernardino, Jr. at Mark Christian Rodrigo ng Quezon City sa sixth hanggang eighth place na may tig-5.5 points. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy