Una sa Balita

Marian walang kupas sa ‘Budot’ Kaya love na love ni Dingdong

By
0 2,155

Trending ang Budot Dance ni Marian Rivera na sinayaw niya sa Sunday PinaSaya noong Linggo, at hanggang nga­yon ay bumabaha pa rin ito ng likes at positive comments!

Miss na ng netizens na makita si Marian sa dance floor dahil sa pinakita niyang sayaw, kitang-kita na wala pa ring kupas ang Kapuso Primetime Queen sa kanyang moves! Simpleng galaw lang pero sobrang lakas ng da­ting, kaya nakaka-miss talagang makita siyang pag-perform muli. Bukod pa doon, na-highlight ang ganda ng hubog ng katawan niya at parang walang bahid ng panganganak!

Parang sa Super Ma’am, kung saan tiyan ang labanan dahil si Black Super Ma’am, bistado na sa kanyang tunay na pagkatao! Binihag niya ang mga Super Teens at nagpapanggap lang siyang mabait. Pero don’t fret, dahil nagbalik na rin ang powers ni Super Ma’am, kaya maghanda na ang impostorang Super Ma’am!

My Korean Jagiya kaabang-abang ang ending ngayong gabi

Malaki ang pasasalamat ni Direk Mark Reyes sa mga sumubaybay sa My Korean Jagiya mula umpisa hanggang sa dulo nito. Marami siyang naging plano para sa magiging ending nito, at meron siyang alternate ending na gusto sanang mangyari. Pero dahil sa reaction ng cast sa ending nito, natuwa siya at nagpa­salamat dahil nagustuhan ito ng cast at hiling niya na ito rin ang en­ding na hinahanap ng fans.

Bukod pa riyan, inamin niyang sina Alexander Lee at buong Korean cast ng show ang mami-miss niya dahil pamilya na ang tu­ring niya sa kanila. Dagdag pa ni Direk, gusto niyang makatrabaho silang muli lalong-lalo na si Alexander.

“And I think Xander is an underrated Korean artist that I will look forward to working with again. I wish him the very best. Please allow me to say thank you to all the Kapuso Jagiyas for watching us until the very end. Gomawo!” pagtatapos ni Direk Mark.

  Derrick nanginig sa paghuhubad

Napapanood na ang trailer ng bagong pelikula nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio na Almost A Love Story­ at nakakakilig ang mga eksena nilang naka-highlight in slow motion.

Sa trailer, nakitang naka-topless si Derrick at nag-alala kami dahil hindi ba’t malamig at nakabalot ng makakapal na jacket noon si Barbie? Paanong natiis ‘yon ng Kapuso actor at bakit siya may showcase ng abs?

Well, nanginig nga raw siya habang nakahubad dahil sa sobrang lamig. Pero, tiis-tiis lang daw dahil kailangan sa story.