Una sa Balita

Marian, waging-wagi sa ads at ratings!

By
0 3

Abot-tenga ang ngiti ni Marian Rivera, dahil sa patuloy na pamamayagpag ng morning talkshow niyang Yan Ang Morning sa GMA 7. Eh, lalo pa nga at lahat ng ini-endorse niyang produkto ay nagpasok ng commercial, at nagsisiksikan sa show niya.

“Ang saya lang talaga, kasi kahit hindi naman ako talaga bongga sa talk show, dahil acting naman talaga ang forte ko, pero habang tumatagal ang show, mas lalo kaming nagiging masaya, at pati televiewers namin, nadodoble ang saya nila.

“Nagugulat din ako, kasi ang dami-rami na­ming emails at messages na natatanggap, na mga suggestions sa kung sino ang mga type nilang i-guest namin, o kung anong topic ang type nila. At yes, pinag-aaralan namin, at pinagbibigyan talaga namin ang mga wish nila,” tsika ni Marian.

Anyway, suwerte nga ni Marian dahil makakatsikahan niya ngayon ang orig na nagmamay-ari ng morning time slot na talk show, si Tessie Tomas. Ilang dekada nga siyang nag-share ng kaalaman para sa iba’t ibang isyu ng mga ginang ng tahanan; sa makabagong panahon, handa pa rin kaya siyang ibigay ang bahagi ng kanyang utak at puso sa lahat ng nangangailangan ng payo, lalo na sa mga may ‘HUGOT’ sa buhay!

Balitaktakang umaatikabo at tawanan nga ang mapapanood ngayon sa paghaharap nina Tessie at Marian, sa mga paksa nila tungkol sa mga pusong wagi at pusong sawi, habang inaawitan pa sila nina Maricris Garcia at Mackie Cao ng Eat Bulaga ng Just Duets!

Sa mga bet mag-join, padala lang kayo ng hugot niyo. So, tutok na sa YAN ANG MORNING, 9:30AM sa GMA.