Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marian suportado si Dingdong sa giyera vs FDCP, ‘anti-terror bill’

0 591

Nagpasalamat ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa pagkakaroon ng Film Workers Unite kunsaan, nabigyan daw ng pagkakataon ang grupo ng AKTOR na makapagsalita.

Ang AKTOR (League of Filipino Actors) ang bagong tatag na grupo ng mga artista kunsaan, si Dingdong ang tumatayong lider.

Sa pagkakataong ito, matapang na silang gamitin ang boses nila at tutulan ang ilan sa mga batas na gustong ipatupad tulad ng anti-terror bill, ang protocols na inilabas ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) at maging ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Binasa ni Dingdong ang mahabang sulat o nagkakaisang mensahe ng lahat ng bumubuo hg AKTOR. Lahad ni Dingdong, bago ang naging talakayan nila sa Film Workers Unite, hindi raw siya nakatulog sa gabing yun.

“Hindi ako nakatulog. Hindi lang sa hindi ako masyadong nakatulog, hindi talaga nakatulog. Hindi ko alam kung dahil nagkape ako, sumobra o takot ako na baka sa usapan namin, biglang mawala ang internet namin or dahil very anxious ako sa usapan natin.

“But one thing for sure, tumatakbo sa isipan ko or buhay na buhay sa isipan ko ang lahat ng mga kuwento, ang lahat ng usapan namin ng mga katrabaho ko sa industriya.”

Sey pa rin ni Dingdong, “Usapan sa kanilang mga pangarap. Usapan sa kanilang mga hinaing, kinatakutan na dapat nating harapan. In other words, yung kasalukuyang reyalidad ng ating situwasyon at lipunan.”

Ang isang learning daw niya ngayong may pandemya ay kailangan nila ang isa’t isa. Kung dati raw, walang pakialam na tumulong sa iba, ngayon ay mas lalong dapat magtulungan.”

Proud wifey naman ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Nagulat pero lahat ng katalakayan ni Dingdong sa IGA (Inter-Guild Alliance) ay natuwa nang biglang lumitaw ito sa screen at hinalikan si Dingdong.

Sa paglipat sa 2:

Regine kinamumuhian pa rin ng mga fan

Hanggang ngayon, marami pa rin pala ang netizens na galit kay Asia’s Songbird na si Regine Velasquez dahil sa paglipat nito ng network.

From Kapuso ay naging Kapamilya si Regine. And since then, siguradong marami pa rin ang hindi tanggap ang naging desisyon nilang mag-asawa.

Sa Twitter post ni Regine noong isang araw pa, ang daming nag-react. Ang tweet ni Regine, “Talaga bang bulag, pipi at bingi na tayo??? Anong nangyari Pilipinas kong mahal???”

Grabe yung mga comments sa tweet niyang yun, majority ay negative at ibinabalik do’n sa isyu ng paglipat niya.

Sabi ng isang comment, “Ikaw ang dahilan lumipat ka kasi ng tahanan.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.