Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marian sinuportahan ni Mariel

0 205

Panay ang post ni Marian Rivera ng video sa Instagram niya na tawa siya nang tawa.

Ang latest nga ay ang video nila ni Zia, na kinikiliti siya sa leeg sa pamamagitan ng halik. Ang sarap ngang panoorin ng video nila na humalakhak silang pareho dahil sa sobrang kilig.

Sey ng mga fan, bet nila ang attitude ni Marian, na ayaw pumatol sa mga pekeng tsismis. Unbothered wife nga ang bansag nila kay Marian.

Anyway, naaliw naman ang mga fan sa suporta ni Mariel Rodriguez Padilla sa Instagram photo ni Marian ng ‘tough mama blender’. Gumana nga ang matatabang utak ng mga fan, dahil pareho ngang nasasangkot sa ‘buntisan’ tsismis ang mga mister nilang sina Dingdong Dantes at Robin Padilla, bagamat nilinaw na nga na walang katotohanan ang mga `yon.

“Making my favorite smoothie is always easy with my Tough Mama blender,” sabi ni Marian.

Na ang hirit naman ni Mariel: “This is my favorite Tough Mama blender!”

Well, pareho ngang mahilig magluto sina Marian at Mariel, kaya magkasundo sila sa mga gamit sa kusina.

Janella, Markus gusto nang magtrabaho, bumalik ng Pinas

Umamin si Markus Paterson na ang pagtulog ang una nilang naging problema ni Janella Salvador, mula nga noong ipinanganak si Jude.

“Pinakamahirap ‘yung tulog, I can’t sleep for the first couple of months. Kami ni Janella,” sabi ni Markus na isa sa mga bida sa Boys’ Love serye na Hello Stranger.

“Pero sa ngayon, okey na, smooth sailing na,” sey niya.

Gusto na ngang bumalik nina Janella at Markus sa Pilipinas para makapagtrabaho. Kasalukuyan pa rin silang nasa UK.

“Gusto pa rin naming ituloy ang trabaho. Gusto lang naming magtrabaho.

“We cant wait to come home to the Philippines, which is malapit na malapit na po,” sabi pa ni Markus.

Anyway, may bonggang plano nga si Markus para sa nanay ng kanyang anak sa Valentine’s day.

“Ayokong sabihin kung ano, kasi baka mapanood niya,”

Siyanga pala, wala na raw siyang mahihiling sa buhay niya ngayon. Sobrang suwerte nga raw niya kay Janella.

“Other than amazing, strong, passionate woman, she’s everything that I wish to be, for a mother of my child,” tila kinikilig na sey pa ni Markus.

Oh, bongga!

Princess sabik nang mag-teleserye

Miss na rin ni Princess Punzalan ang magbalik trabaho sa Pilipinas.

“I miss doing TV series, but with the pandemic, it’s so hard to tell, kung kailan ako makakabalik. So, I’m hoping, sometime soon,” sabi ni Princess na isa sa mga bida sa pelikulang Yellow Rose, kasama si Lea Salonga.

Hindi nga lang masagot ni Princess kung sino sa mga kabataang artista ngayon ang gusto niyang makatrabaho.

“Wala kasi akong Tagalog na channel, so hindi ko masyadong kakilala na ang iba. But I would be very exited na makatrabaho kahit sino sa kanila,” sabi lang ni Princess.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.