Una sa Balita

MARIAN, SEKSING-SEKSI SA SUPER MA’AM OUTFIT!

By
0 8

Dedma ang pamilya Dantes sa kabi-kabilang pambabatikos kay Dingdong Dantes, lalo na sa teleserye niyang Alyas Robin Hood.

Inaakusahan nga ng bashers, na sabi ay gumagawa ng sangkatutak na accounts, para lang sabihang malaswa si Dingdong, dahil sa mga eksena nito kay Andrea Torres.

Sabi ni @asvccda… “Your show, sobrang laswa na gagayahin ng mga kabataan! Magaling ka lang sa salita!”

Isinunod pa ang panlalait na kahiya-hiya raw sina Andrea at Solenn Heussaff na mga kasama ni Dong sa show.

Pero siyempre, todo-resbak ang mga supporters nina Dingdong at Marian sa mga bashers.

Kung ano-ano ring panlalait ang ibinalik nila sa mga nagsasalita ng masakit sa dalawa, lalo na kay Dingdong.

At binantaan pa ngang kakasuhan ang mga nagsasabi ng masasakit, o nanlalait, at nag-aakusa ng masasama sa mister ni Marian.

And speaking of Marian, mapapanood na muli sa GMA Telebabad ang Kapuso Primetime Queen sa pinakabagong aabangang fantasy-action series na Super Ma’am.

Ayon kay Marian, matagal na niyang pangarap ang maging isang teacher kaya todo ang excitement niya para sa project na ito.

“Ang Super Ma’am ay kwento ng isang guro na ayaw mag-give up sa pagtuturo dahil love at passion niya talaga ang pagiging teacher.

May mangyayari sa kanyang isang malaking pagbabago na magli-lead sa kanya para tumulong sa kapwa niya. Kaya nga dream come true itong role ko kahit sa palabas lang,” say niya.

Bukod dito, masaya rin si Marian na maging superhero ulit at dedicated ang series na ‘to para sa fans niyang naghintay para mapanood siyang muli.

“Maraming nagre-request na maging super hero ulit ako, so para sa kanila talaga itong Super Ma’am.”

Hindi na rin siya makapaghintay i-reveal ang costume at weapon na gagamitin niya dahil sure na matutuwa ang viewers dito. At sa mga naglabasang costume ni Marian, kitang-kita agad ang abs at kaseksihan ni Marian.

Gagampanan ni Marian si Minerva Henerala, isang high school teacher na madalas asarin at pag-tripan ng mga estudyante niya dahil sa pagka-weird nito.

Lumaki siyang naniniwala sa mga Tamawo o mythical creatures na  may kakayahang mag-anyong tao.

Sa umaga ay isa siyang good teacher sa mga pasaway niyang estudyante. Ngunit dahil sa isang encounter sa mga Tamawo, nagbago ang buhay niya at nagta-transform siya into a femme fatale heroine o Super Ma’am na may fantastic adventures sa pagpuksa ng mga masasamang elemento sa mundo.

Itinatampok din sa serye sina Al Tantay, Jackie Lou Blanco, Jerald Napoles, Kim Domingo, Meg Imperial, Matthias Rhoads, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Kevin Santos, Shyr Valdez, Ashley Ortega, Jillian Ward, Enrico Cuenca, Julius Miguel, Andrew Gan at sa kanyang grand comeback sa GMA, ang seasoned actress na si Ms. Helen Gamboa.

Mapapanood din ang nagbabalik Kapuso na si Ms. Carmina Villarroel bilang guest sa series at may special participation rin ni Ms. Dina Bonnevie.

Makakasama rin and playing a very special role in the series ang Philippine Comedy Queen na si Ms. Ai Ai Delas Alas.

Mula sa mahusay na direksyon ni LA Madridejos, abangan ang Super Ma’am ngayong September 18 sa GMA Telebabad.