Una sa Balita

Marian pumalag sa news website

0 509

Hindi napigilang mag-post ni Kapuso actress Marian Rivera ng kanyang sey sa lumabas na artikulo ng isang news website, na para sa kanya ay misinterpreted siya, at naging iresponsable sa kanilang pagbabalita.

“Are the ‘super rich’ like superstar Marian Rivera also affected by Metro Manila’s heavy traffic, especially as the holidays draw near?” ayon sa artikulo ng news website na may kalakip na video clip interview sa presscon with Marian. Dito’y pinapaliwanag ng aktres na matagal nang may trapik, at kung siya ang tatanungin ay mas mabuting mag-adjust ng time para makarating sa oras at hindi maapektuhan ng trapik. Nagbigay rin siya ng ilang maaaring pagkaabalahan kapag naipit sa mabigat na daloy ng trapiko.

Sa IG post ni Marian, aniya, “Lahat tayo ay biktima ng trapik, at kani-kaniyang paraan lang kung paano tayo mag-cope sa sitwasyon. Ang tanong po kasi during the interview —kung panonoorin at pakikinggan niyo ang buong clip— ay naka-tuon sa aking pamamaraan kung paano ko personal na itinatahak ang problemang ito ng ating lipunan, kaya’t sinagot ko naman iyon ayon sa kung ano ang totoo sa akin— at sa akin lamang. I just wanted to give a light take on my personal experience, but was misinterpreted…

“Hindi ko po nilalahat at lalu nang ginawang pangaral sa publiko ang aking pahayag…

“Kung sana’y naging mas responsable lang ang Philstar.com sa kanilang headline at sa hindi pag edit ng tanong sa umpisa ng original video, hindi ako ma-tatake out of context…

“Pinaninindigan ko po ang aking sagot and i take full responsibility, pero humihingi rin ako ng paumanhin sa mga nasaktan, nainis, napikon at kahit sa mga mema lang— hindi ko po nais na gawin ito sa inyo. Sa susunod, magiging mas maingat ako sa aking mga sinasabi, at sana ganoon din ang mga pahayagan na tinitingala ng nakararami…

“Kinikilala ko po ang hirap na pinagdaraanan ng mga Pilipino sa kalbaryong ibinibigay sa ating lahat ng trapik. Ang bawat minuto na nasasayang sa kalsada ay dapat na sana’y nagagamit natin para makapiling ang ating mga mahal sa buhay— wala pong may gusto nito… Peace everyone (heart emoticon).

“Hindi po ako super rich, gaya ng sabi ng Philstar.com Maykaya, opo, dahil pinaghirapan ko po yun,” pahabol pa na sey ni Marian. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy