Una sa Balita

Marian pinagtawanan, ikinumpara sa palpak na pagkanta

By
0 3,014

Ano ba ‘yan? Ang tagal nang inere ang pagkanta ni Marian Rivera ng Unfaithful ni Rihanna. Imagine, nangyari ‘yon nu’ng 2013 pa sa Party Pilipinas Summer episode, na kung saan ay nakasama pa niya sina Glaiza de Castro at Rafael Rosell.

Pero, hanggang ngayon nga ay nagti-trending pa rin ‘yon. Hindi ako sure kung paano nahalungkat ulit ang video noon, pero check niyo sa Twitter, at nagti-trending pa rin talaga.

Anyway, inumpisahan ni Marian ang pagkanta na para bang kinakapa niya ang lyrics, at ‘yun na nga, pamali-mali ang lyrics niya. Si Glaiza ay nakakanta nang maayos at si Rafael ay bongga rin ang ginawang interpretative dance.

Well, dahil nga sa paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN, may mga nagtanong kung sino na ang ipapalit sa kanya.
At doon nga lumabas ang name ni Marian, na hindi nga raw puwedeng ipalit kay Regine, dahil ganito nga raw kumanta ang misis ni Dingdong Dantes. At doon nga paulit-ulit pinost ang video na kumakanta si Marian.

Anyway, ginawan pa ng interpretation kung paano kinanta ni Marian ang song ni Rihanna. Heto ang basahin niyo:

“Story of my life, searching for right, keepsinvoiding me, sorrow i-mah soul, cause itseemsarong, really loves my kempani, he’s amore naman, and his amore dalove, the reason da sky is blue, the clouds are rolling in, because i’m gone again, sklan be true.”

Hanggang ngayon ay ginagawang katatawanan ito sa Twitter. Marami nga ang naaaliw.

Nag-imbento pa ang mga netizen at ginawa pang “adjective” ang name ni Marian.

“Ayusin mo ang pagkanta mo ha! ‘Wag kang Ma-marian Rivera jan!”

Ganiyan!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy