Una sa Balita

I KNOW BETTER!: MARIAN, ‘NAGPAABO’ SA QUIAPO!

By
0 455

marian-baby-ziaHindi na naka­kagulat ang pagiging maka-Diyos ni Marian Rivera.

Alam niyang blessed siya hindi lang sa career kundi sa pagkakaroon din ng mabait na asawa at malusog na anak.

Ang nakakagulat ay ang nakaraang post ni Yan sa Instagram account niya kahapon, Ash Wednesday.

Nakalagay lang ang verse mula sa Bibliya, “All are from the dust and to dust all returns.” – Ecclesiastes 3:20, ESV.

Maraming nagulat sa location kung saan nagpalagay ng abo si Marian  Quiapo Church  Minor Basilica of the Black Nazarene, huh!

Knows naman natin kung gaano karami ang nagsisimba sa Quiapo, huh!
Ang isa pang nagpaalala na Ash Wednesday kahapon ay si Ai Ai delas Alas.
Sa caption niya, 40 days fasting ang dapat isagawa ng bawat Katoliko.

SINON, BINATIKOS SA PAGTULONG SA MAHIHIRAP!

Malandi mang bading ang dating sa Eat Bulaga si Sinon Loresca, kapag wala siya sa harap ng kamera, umiiral ang pagiging charitable niya.

Ang adbokasiya ni Sinon na tumulong sa mga pulubi sa kalsada ang madalas niyang isagawa.

Pero kahit marami ang na-inspire at bumilib sa ginagawa niya, nakakatikim din siya ng bashers sa social media.

Akusasyon ng bashers niya, hindi na raw niya kailangang ipakita pa sa social media ang pagtulong niya. Gusto lang daw niyang sumikat.

Depensa naman ni Sinon, nais lang daw niyang ipakita kung ano ang totoong nangyayari sa paligid at ma-inspire sa pagtulong niyang ginagawa.

Gusto niyang ipaalam sa buong mundo na may problema ng kahirapan kahit saan at kahit hindi artista o mayaman ay puwedeng tumulong sa nangangailangan.

AIKO AT EULA, BINITIN NG PATIWARIK!

Si Devon Seron ang nag-stand out sa millennial cast ng Regal horror mo­vie na Pwera Usog, ayon sa writer-director na si Jason Paul Laxamana.

“Kasi hinulog naman siya sa building, pero buhay pa! Ha! Ha! Ha!” sabi ni direk JP.
Bawi niya, “Nag-transform kasi siyang monster. Mahirap ‘yon para sa isang artista.”

Pagdating naman sa pagdidirek ng horror, nahirapan ang director sa eksenang naglalabanan sina Eula Valdez at Aiko Melendez.

Hindi pangkaraniwan ‘yon sa nagawa niyang movie dahil aksyon ang da­ting nito.

“Buti na lang, very cooperative ang dalawa na kahit ibitin namin siya ng patiwarik eh wala silang reklamo,” rason ni Direk Jason.

Sa Pwera Usog, muling makikita ang kakayahan ng Regal sa horror genre. Bawat ganitong klase ng pelikula, laging may bagong hatid at takot ang hatid ng production.

Alam na nina Mother Lily at Roselle ang pulso ng masa pagdating sa ganitong klase ng movie.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy