Una sa Balita

Marian nag-birthday party sa Super Mom cast

By
0 149

Ngayon lang namin­ nalaman na may Viber group pala sina Marian Rivera at co-actors niya sa ‘Super Mom’. Madalas mag-bonding ang grupo at komo hindi nakakasama si Kevin Santos ay wala kaming kaalam-alam.

Pero nitong Huwebes nang gabi ay nag-imbita si Marian sa grupo at dito na nakasama si Kevin Santos at sa isang intimate dinner sa bahay ni Marian sa Makati ay nagkasayahan ang grupo with matching games kasama ang direktor nila na si LA Madridejos.

Sa IG story ng ilan ay napanood namin ang kasayahan nila at natikman pa namin ang masarap na birthday cake ni Marian na punong-puno ng prutas.

Abante Hiring – IT dep

Happy Birthday Ma­rian and thank you sa lahat sa pag-aalaga at pagbibigay ng mga magagandang payo sa aking mga alaga. Mabuhay Ka.