Una sa Balita

Marian nag-birthday, nagpangiti ng mga batang bingot

By
0 143

Sa August 12 (Sunday) ang birthday ni Marian Rivera, pero kahapon ay nagbigay na siya ng ngiti sa mga batang tinutulungan niya.

Nagdaos na nga si Marian ng kaarawan niya sa isang school na tinutulungan niya, kasama ang mga batang bingot, na natulungan niyang ngumiti at maging masaya at normal.

“Sa Linggo pa ang kaarawan mo pero nauna ka na sa pag-alay ng regalo sa mga batang may bingot. Salamat sa ngiting handog mo sa kanila anak. Maraming Salamat @marianrivera at maligayang bati sa iyong kaarawan. #smiletrain #yanangsmile #beshiealert #lovelivelove,” mensahe ni Rams David, ang kanyang manager.

Kitang-kita nga ang kagalakan sa mukha ni Marian habang pinaliligiran siya ng mga batang natulungan niya, habang inaawitan siya ng mga ito ng Happy Birthday.

“Nagbigay siya ng small donation para sa kanila. Alam niyo naman si Marian, isa yan talaga sa mga advocacy niya,” sey pa rin ni Rams.

Sinabi nga ni Marian na nga­yon pa lang ay iniimpluwensiyahan na niya ang baby nila ni Dingdong Dantes na si Zia na maging matulu­ngin sa kapwa, lalo na sa mga batang nangangailangan, o may kakulangan.

“Aware si Zia sa mga ginagawa ko. Kanina kasama ko siya. Ang mga bata very transparent siya. Marami na siyang tanong. So ngayon pa lang tinuturuan ko na siya na dapat hindi ganun ang treatment, dapat ganito sila pakisamahan.

“So, gusto ko talaga mamulat na siya sa mga ganito. Ngayon pa lang alam na niya kung paano tumulong sa kapwa.”
Ano ba ang birthday wish niya?

“Habang tumatanda ka, lumalawak ang pangarap mo. May asawa at anak na ako, naibigay na sa akin ang mga wish ko noon. So gusto ko talaga… ang wish ko happiness at ­kapayapaan sa ating lahat, dahil masayang mabuhay na masaya at ­tahimik,” sabi na lang ni ­Marian.