Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marian may kapalit na sa Gabby serye

0 444

Wow, Dondon (my dear editor), birthday mo na, kaya bago ang tsika, babatiin muna kita ng happy birthday at excited ako dahil next week, magkikita na tayo!

So, for now, enjoy your day with your family at hindi naman puwedeng mag-celebrate ng bongga dahil ito na nga ang “new normal” dahil sa COVID-19 pandemic, huh!

Anyway, may isang talent manager ang nakatsikahan ko, na may alagang kasama sa cast ng “First Yaya” na pagbibidahan sana ni Marian Rivera, pero umatras na nga ang aktres dahil ayaw sa lock-in taping at maliliit pa nga ang mga anak niya.

Sabi ni talent manager, mag-a-announce na raw before the end of the month kung sino ang papalit kay Marian sa series na ‘yon na pagbibidahan din ni Gabby Concepcion.

Tanong ko sa kausap ko, “Sure ka na papalitan na lang si Marian? Bakit may lumalabas na baka next year na lang ituloy ang ‘First Yaya’ kapag hindi na kailangang mag-lock-in sa taping?!”

“Pero ‘yun ang sabi. Mag-announce na raw ng kapalit. Iniisip ko nga kung sino sa stars ng GMA 7 ang puwedeng ipalit kay Marian sa project.

“Let’s wait and see na lang. ‘Yung alaga ko naman, waiting lang sa decision kung itutuloy na ba kaagad o next year na lang,” sey pa ni talent manager.

Well, let’s wait and see na nga lang talaga!

Lovi bawal dalawin

Ang “I Can See You” weekly series naman ng Kapuso network, nakatatlong episodes na.

Natapos na ‘yung taping ng episode starring Paolo Contis, Andrea Torres, Yasmien Kurdi at Benjamin Alves. Nakunan na rin ‘yung episode nina Alden Richards at Jasmine Curtis Smith at katatapos lang ng taping ng episode naman nina Lovi Poe, Winwyn Marquez at Tom Rodriguez.

Sabi, maayos na napatupad ng GMA 7 ang health and safety protocols na kailangang gawin dahil nga sa COVID-19 pandemic.

Sabi nga ni Lovi, nakakapanibago, pero nakakabilib sa taping nila dahil alam nilang safe na safe sila from the virus dahil panay-panay ang pagsa-sanitize.

Siyempre, kahit nakapag-swab test sila at pare-parehong negative ang result nilang lahat na kasama sa lock-in taping, ‘yung pagsusuot ng mask, face shield at social distancing, sinusunod din.

Nakakapanibago, pero madali rin naman daw makasanayan, huh!

Para rin naman sa kaligtasan ‘yon ng lahat!

Pero mas mabilis namang natatapos ngayon ang taping dahil lahat ay tutok sa kanilang mga ginagawa at mahigpit na ipinagbabawal ang pagbisita sa set ng mga hindi naman involved, ‘noh?!

Naku, Dondon, tayo kaya sa Abante News Online, kailan kaya tayo makakapag-live sa mismong studios natin sa Makati City at Cubao, Quezon City?

As of now kasi, more on Zoom app live interviews muna kami.

Anyway, going back to “I Can See You” taping, nakauwi na si Lovi sa kanyang bahay noong Wednesday evening mula sa lock-in taping nila sa Clark, Pampanga.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.