Una sa Balita

Marian ipinagmayabang ang pagpapadede

0 478

Sa kabila ng naging pahayag ni Dingdong Dantes na mukhang hindi pa raw ngayong July ang pagbabalik ng misis niya na si Marian Rivera, mukhang sa mga endorsements ay hindi na ito mapi­pigilan.

Natatandaan namin na isang buwan pa lang halos si Baby Ziggy ay napalabas na ito ng Triple A for an endorsement shoot. At that time pa lang, marami na ang ginulat ni Marian dahil para itong hindi nanganak sa ganda at kaseksihan agad.

Eh, lalo na ngayong two months na si Ziggy. At nag-shoot naman ito para sa Nido na endorsement nila ng panganay na anak na si Zia.

Sexy pa rin pero mas may laman ngayon si Ma­rian na understandable dahil nga two months pa lang na kapapanganak at nagbi-breastfeeding pa.

Aba, ‘yung katawan ni Marian ngayon, parang sa ibang babae na nanganak, taon na ang binibilang ma-achieve lang ang body na meron siya ngayon. Eh, si Yan, two months pa lang, huh!

Ang babaeng bukod na pinagpala nga yata itong si Marian, huh! Kaya naman halos lahat ng comments sa kanya, puro papuri. ‘Yung iba, ‘di mapigilang sabihin na inggit sa kanya.

Tinawanan lang ni Ma­rian ang nagsabing mataba siya ngayon pero sobrang ganda pa rin daw. Halatang proud lang ang Kapuso Primetime Queen sa kung ano ang meron siya ngayon.

Sey nga niya with hashtag, “proud pa dede mom.”

Breastfeeding advocate pa si Marian kaya talagang gagawin nito lahat para sa mga anak at mabigyan ng full breastfeeding milk si Ziggy.

Kris Bernal palaban sa lampungan kay Jake Cuenca

Naging palaban rin daw si Kris Bernal sa pelikulang “Kontradiksyon” ng Bell Films. Sa unang pagkaka­taon ay magkapareha sila ni Jake Cuenca.

Isang Kapamilya at isang Kapuso.

Ayon kay Kris, ibang-iba raw ang character niya sa “Kontradiksyon” sa napapanood sa kanya sa mga teleserye niya sa GMA-7.

“Kasi ‘di ba, sanay talaga ang tao na napapanood nila ‘ko sa mga serye ko na iyak ako nang iyak, dito, medyo konti lang. At saka, medyo palaban. Iba, iba talaga ‘yung mapapanood nila sa akin.”

Na-challenge rin daw siya sa pagiging daring at passionate talaga ni Jake as an actor.

“Medyo nakaka-pressure kapag ganu’n. Bigay na bigay siya. Medyo kailangan kong pantayan ang emosyon niya.”

Sabi pa ni Kris, pinaghandaan rin daw niyang talaga ang movie nila.

Ang “Kontradiksyon” ay maituturing din na advocacy film sa ilalim ng direksyon ni Njel de Mesa na isang Palanca Award winner-writer director.

Matagal din nilang ginawa ang movie at masaya raw si Kris na finally, maipapalabas na ito nga­yong June 26. (Rose Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy