Una sa Balita

Marian hindi takot malosyang

0 828

abante-i-know-better-jun-nardoInilunsad ng Kultura Filipino ang collaboration nila ni Marian Rivera ang Kultura X Marian para sa set ng mga pearl na suot-suot niya sa launching nito last Thursday na mga di­senyo niya.

Ayon kay Yan, reasonable ang presyo ng perlas at depende rin sa design ng gustong bumili.

“’Yung iba kasi may cut ng diamond kaya medyo pricey pero puwede,” saad ni Yan.

Biro ng press sa kanya, “Ilang gives?”

“Six months, zero interest! Diyos ko, naging saleslady ako bigla! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Mrs. Dingdong Dantes.

Mahilig ba siya sa mga alahas?

“Wala namang babae na hindi mahilig sa alahas. Sigu­ro nature na ng babae ang maging mahilig sa alahas,” rason ni Yan.

Naku, maraming mamanahin si Zia na alahas mula sa kanya?

“Share kami! Ha! Ha! Ha!” bulalas niya.

‘Yung kapatid ba ni Zia magiging mahilig sa alahas?

“Kung itatanong ninyo kung ano ang gender para mabuking ninyo ako, hindi ko sasabihin! Sasabihin naman namin ang gender. Kayo pa ba? Kelan ba namin nilihim ang bagay-bagay sa amin,” iwas niya.

Kapansin-pansin ang masayang aura ni Yan ngayon?

“Kasi nga may contentment ako. May Zia ka na nga, may isa pa uli. Idea kasi is three pero kung bibigyan ng four, why not?” diin ni Marian.

Baka malosyang na siya niyan?

“Losyang? Ano ‘yon? Ano ‘yon. Salita lang ‘yan. Panlabas lang ‘yan. Ang importante, sa’yo sa sarili mo na masaya ka. Hindi ‘yung ang ganda-ganda mo pero empty naman ‘yung puso mo. Mas maganda ‘yung awra ka na, happy ka pa?” katwiran niya.

 

Zia sa HK Disneyland magbi-birthday

Ngayong buwang ito ay tatlong taon na si Zia. Pero mismong ang anak ang umayaw sa malaking seleb­rasyon. Sa halip ay papasyal silang pamilya sa Tokyo Disneyland na first time pupuntahan ng bata.

“Tinanong ko ang anak ko. ‘Anak, ano ang gagawin mo sa celebration mo? Gusto mo ba, celebrate ka kasama ang classmates mo, kaibigan mo.’ Sabi niya, ‘No, Mama. I just want to go to Disneyland.’ Ayaw niyang magsuot ng parang Princess.

“First time niya kasi gusto niyang makakita ng iba’t-ibang mascots. Mabilis lang ‘yon,” chika ni Marian.

 

Sunday PinaSaya dedma sa pasabog ng ‘ASAP’

Teka, may reformat daw ang katapat na progr­ama ng kanilang Sunday Pinasaya ngayong Sunday. Naghahanda ba sila?

“Palagi namang naghahanda ang Sunday Pinasaya ke may katapat o wala. Palagi namang ginagawa ng Sunday Pinasaya ang dapat.

“Hindi naman namin napag-uusapan ‘yung katapat. Basta sa aming Viber group, alam namin ang gagawin. Hindi naman ‘yon napag-uusapan ng Sunday Pinasaya.

“Magagaling ang writers ng Sunday Pinasaya kaya hindi na kailangang mag-input doon. Gagawin mo na lang, babasahin ang script, rehearsals,” paliwanag ni Marian.