Una sa Balita

Marian ginawang ‘tubero’

0 478

Unang kinabaliwan ng mga netizen ang sunod-sunod na paglaganap sa social media ng samu’t saring meme tungkol kay Dingdong Dantes. Karamihan ng mga lumabas na meme tungkol sa aktor ay mga larawang hubad siya.

Pero dahil nasobrahan sa tuwa ang mga fan, dumagdag nang dumagdag ang mga meme hanggang sa hindi lang si Dingdong ang pinagtripan kundi pati ang iba pang mga artista. Wala ngang nakaligtas, maski ang ilan sa mga sikat na vlogger ay hindi pinalampas ng mga fan.

Sumunod na lumaganap ang mga meme ni Marian Rivera. Nariyang tinawag siya na ‘Marian Tubero’, ‘Marian Hilera’ at marami pang iba.

‘Di nagtagal, bumuhos na nga ang mga meme na wala talagang pinili, kahit ang international action star na si Jackie Chan ay may meme na “Bigyan ng Jackie Chan”.

Halos mautot din sa katatawa ang mga netizen sa meme tungkol sa comedian vlogger na si Cong na inilapit sa trend na kantang “Tala” ni Sarah Geronimo: “Cong hanggang dito lang talaga tayo”.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More