Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marian, Dingdong todo lampungan sa Batangas

0 224

Kung meron man na super saya sa out-of town at tila honeymoon na rin nilang mag-asawa sa Batangas, ito ay si Dingdong Dantes. Mababasa sa caption ng post ni Dingdong sa Instagram ang kasiyahan na maka-bonding uli ang misis na si Marian Rivera sa panahon ng pandemya, at sa SPA resort sa The Farm at San Benito yon naganap.

“Malinis na hangin, mga puno, sariwang gulay, mainit-init na tubig…at ikaw. Huwaw!” ang bonggang caption ni Dong.

Nakabalandra sa IG ni Dingdong ang mga larawan nila ni Marian sa mga masasayang mood sa iba’t ibang mga amenity ng resort.

Ito yata ang kauna-unahang rampa ng mag-asawa sa labas ng maynila para magpahinga mula noong lockdown hanggang ngayong GCQ na.

Well, wala namang nangangamoy na 3rd baby sa dalawa, dahil maliit pa nga ang bunso nilang si Ziggy.

Solenn hindi magugutom

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hinding-hindi magugutom si Solenn Heussaff kahit hindi na ito magbalik-showbiz pa. Bukod sa pagpipinta na puwede niyang ibenta ng libu-libong piso, at sa kanyang food business, maternity clothing line, itinuloy na rin nito ang paggawa ng mga carpet na pawang pambata ang design.

Nakaposte sa Instagram ni Solenn ang isa niyang kasama sa business na ginagawan ng design at color ang carpet. Ibinalita nitong ibinabalik na nila ang negosyong ito katuwang ang kapatid niyang babae.

Sa sample pa lang ng mga larawan ng mga carpet sa IG, marami na ang na-impress at nagtatanong sa presyo ng bawat carpet. Pag nag-boom ang negosyong ito, siguradong buhay-Donya na si Solenn.

Erika, Jacob tumulong sa mga bata

Umani ng papuri at pasasalamat sa social media ang mga anak ni Ina Raymundo na sina Erika Rae at Jacob. Nakaposte sa Instagram ni Erika ang photo nila ng kapatid, kasama pa ang isang bagets, habang suot nila ang colorful face mask.

Nag-imbita ang tatlo na bilhin ang mga ibibenta nilang facemask, dahil ang kikitain ay idu-donate nila sa Tagaytay National Science High School.

Nakipag-partner sina Erika at ang kapatid sa Tatak Talino para matulungan ang mga estudyante sa Tagaytay. Bukod sa face mask, nagbebenta rin sila nga mga tote bag.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.