Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marian, Dingdong nag-date sa BGC

0 77

Iba talaga mag-alaga ng kaibigan si Marian Rivera.

Sabi nga, kapag napalapit ka kay Marian, siguradong ituturing ka na niyang kadugo.

Tulad nga ni Vien Nueva, isang hairstylist, na nag-birthday kamakaialn. Eh, di ba, si Marian ay takot na takot lumabas. Pero, dahil mahal niya, malapit sa puso niya si Vien, kaya hindi niya natiis na hindi puntahan ang kaarawan nito.

At siyempre, kasama pa ang mister niyang si Dingdong Dantes.

Makikita nga sa Instagram story ni Vien ang ilang kaganapan sa kanyang kaarawan. Tulad ng regalo ni Marian na Bottega Veneta.

Anyway, sobrang exclusive naman ang party, dahil piling-pili lang talaga ang mga bisita, tulad nina Dingdong, Marian. Kasama pa sina Maita Baello, Melville Sy, Shark Tanael, Paolo Luciano, Steven Doloso, Vicki Dantes.

Makikita naman sa Instagram ni Dingdong ang photo ng misis niyang si Marian, na may hawak na wine glass, at nilagyan niya ng caption na ‘Last night’s seatmate.” Ang location nila ay The Peak Grand Yyatt BGC, na location nga ng birthday dinner ni Vien.

Mistulang date na nga rin nilang dalawa `yon, na di ba nga, dahil sa pandemic, ay madalang na nilang magawa, dahil pareho ngang ayaw nilang lumabas ng bahay.

Anyway, super ganda na naman ni Marian sa photo na `yon ni Dong. Na sabi nga ng mga follower ni Dingdong, ngumiti lang si Marian, perpekto na ang mukha. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.