Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marian ‘di matibag sa FB: Niana,Andrea, Sanya pinakamabenta sa tiktok

0 273

Kung sa Instagram ay si Anne Curtis ang pinakapatok dahil sa sobrang dami ng follower (17.3M), si Marian Rivera naman ay hindi matibag sa Facebook dahil may 25.7M follower na siya ngayon.

Pero sa Twitter ay tie sina Vice Ganda (14.2), Anne (14.2M), sa YouTube ay si Ivana Alawi (14.3M), sa TikTok ay ang batang-batang influencer naman na si Niana Guerrero ang nangunguna.

Base nga sa nakalap na mga data (hindi opisyal) ng TikTok, si Niana Guerrero ay humamig na ng 27.2M follower, at may 447.5 like na ang kanyang mga video, at may 263 following siya.

Kaloka nga si Niana dahil ang mga video niya na sumasayaw siya ay humamig ng 26.7M view ang isa, may 24.7M view ang isa, 23.7M view, 22.8M view, 22.2M view, 21.4M view, 17.6M view, 15.2M view, at ang pinakamababang video niya ay kulang-kulang sa 2M, ha!

Wow na wow, di ba?

Sumunod sa kanya si Yanyan de Jesus na may 18.0M follower, 576.4M like at 632 following.

At ang bongga ni Andrea Brillantes, dahil sa mga artista ngayon, siya lang talaga ang umabot sa pangatlo. Sa ngayon ay may 13.8M follower na siya, at 115.5M like at 175 following.

Ang pinakamataas video niya ay humamig ng 62.6M view, 18.4M view, 16.9M view, 12.9M view, 12.2M view, 10.8M view, 10.6M view, 9.7M view, 8.7M view, 6.3M view, 5.9M view, 5.2M view, 4.8M view, 4.4M view. At yes, halos karamihan ng video niya ay lumampas ng isang milyon.

Oh di ba? Waging-wagi si Andrea! Kunsabagay, ang isang video niya ay talagang nag-viral, at ginaya ng halos lahat ng mga Pinoy.

Pang-apat si Vladimir Grand na may 12.8M follower, 259.4M like at 37 following.

Panglima si Vanessa Alvarez na may 11.9M follower, 269.5M like, 375 following.

At kaloka rin si Sanya Lopez, ha! Ang bongga niya na pumasok siya sa pang-anim, dahil may 11.6M follower na siya, at 83.5M like at 0 following.

Nakakaloka lang dahil dalawa ang TikTok account niya. Ang isa ay may 164.8K follower, 582.4K like, at 1 following.

Parehong verified ang mga TikTok account na `yon na may blue check.

Pero sa TikTok account niya na may 11.6M follower, ang pinakamataas na video niya ay umabot sa 26.5M view, 24.9M view, 24.0M view, 23.9M view, 22.2M view, 19.2M view, 15.8M view, 11.6M view 13.2M view, 7.3M view, 7.0M view, 6.9M view, at ang pinakamababang view ng video niya ay mahigit pa rin sa 200K.

Si Zendee ay may 11.4M follower, 267.9M like, 207 following, kaya pang-pito siya.

Ang pang-walo ay si Whamoscruz01 na may 11.1M follower, 110.7M like, 212 following.

Pang-siyam si Queen Star na may 10.4M follower, 209.6M like, 15 following.

Ang pang-sampu ay si Zeinab Harake na may 10.2M follower, 86.3M like, 49 following.

***

Kung Top 20 naman ang pag-uusapan, bukod siyempre sa sampung nabanggit, na dalawa nga sa kanila, sina Andrea at Sanya, ay mga artista, at karamihan ay mga social media influencer na, pasok sina Maymay Entrata (8.0M follower, 42.7M like, 22 following), Vice Ganda (7.8M follower, 31.8M like, 1 following), Kyline Alcantara (7.4M follower, 42.7M like, 114 following), Ella Cruz (6.8M follower, 30.0M like, 44 following).

Sa Top 50 ay pasok sina Heart Evangelista (5.7M follower, 34.4 like, 95 folowing), Kim Chiu (5.5M follower, 25.2M like, 74 following), Awra Briguela (5.3M follower, 66.8M like, 195 following), Miguel Tanfelix (5.1M follower, 31.4M like, 21 following), Maris Racal (5.0M follower, 38.3M like, 84 following), Jodi Sta. Maria (4.6M follower, 15.2M like, 49 following), Riva Quenery (4.4M follower, 49.7M like, 45 following), Rodjun Cruz (4.1M follower, 33.9M like, 308 following), Heaven Peralejo (4.0M follower, 17.4M like, 27 following).

Well, maari pang magbago ang mga numero nito, dahil halos minu-minuto naman ay nag-iiba, dumadami, dumadagdag, ang mga follower ng mga nabanggit na artista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.