Una sa Balita

Marian, ‘crush na crush’ nina Kim Domingo at Meg Imperial!

By
0 6

Natanong namin sina Meg Imperial at Kim Domingo kung ano ang tingin nilang ‘super’ sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

“Super totoo!” ang mabilis na sagot ni Kim, habang “super mom” naman ang sey ni Meg.

Katunayan, girl crush pala ng dalawa si Marian. Gandang-ganda at seksing-seksi sila kay Marian, dahil may anak na nga raw.

Siyempre, natuwa naman ang mga fans na nakikitang maganda ang samahan ng tatlong aktres kahit off-cam.

Meanwhile, ngayon palang ay marami nang nagsasabing hooked na agad sila sa nasabing serye at naaaliw sila sa kakaibang kwento nito. Paano ba naman kasi, pilot episode palang maaksyon na agad. Pasabog talaga ang mga shows ng Kapuso Network!