Una sa Balita

Marian buntis?

By
0 7,840

Ayaw pa-pressure ni Marian Rivera du’n sa mga laging nagtatanong sa kanya kung kelan daw nila susundan ni Dingdong Dantes ang lumalaki nang si Baby Zia.

“Alam niyo, ang hirap pangunahan ang mga bagay-bagay. Hayaan niyong ako ang magsabi sa kanila,” nangingiting sabi niya.

Kararating lang ni Dingdong mula sa ilang araw ding show sa Amerika, kaya ayon sa mga asyumerang frog, baka raw dito na mabuo ang kapatid ni Zia dahil matagal-tagal din silang nasabik sa isa’t isa, huh!

Well, wait and see na lang tayo kung tatrabahuin nga ito ng magdyowa, noh, dahil noong magbakasyon sila sa Europe ay walang nabuo.

Samantala, excited na rin si Marian sa pagsisimula nang panibagong soap niya sa Kapuso network.

Hindi na raw ito katulad ng Super Ma’am kung saan may power siya, pero may mga eksena pa ring mag-aaksiyon siya.

Basta, abangan na lang daw kasi first time niyang gagawin ang ganitong klaseng soap na kakaiba ang kanyang gagampanang karakter.

‘Yun na!