MARIAN, BIDA NA SA ‘SUPER MA’AM’!

PACQUIAO, KAKAIBA ANG GIMIK SA STORIES FOR THE SOUL!

By

Talagang unstoppable ang GMA Network sa pagbibigay ng quality entertainment sa loyal viewers nito dahil balita namin, may mga pasabog na naman itong ilo-launch soon.

We are really looking forward to watch these shows na talaga namang pang-world class ang da­ting.

Balita namin isa sa mga ito ay ang “My Korean Jagiya” na kwento ng isang Filipina na fan ng isang Korean actor na tala­gang timely dahil sa pag-usbong ng mga K-drama groups lately.

Kasalukuyang nagti-taping na ang production group sa Korea. Pagbibidahan ito ng Philippine TV’s Sweetheart na si Heart Evangelista at makakatambal niya sa serye ang isang Korean actor na malapit nang makilala ng Kapuso viewers.

Isa rin sa mga inaabangan na shows ng Kapuso Network ay ang soap ng Primetime Queen na si Ma­rian Rivera, ang “Super Ma’am”, na ang kwento ay umiikot sa isang teacher na merong kakaibang po­wers at kung paano niya mapapatino at mababago ang buhay ng kanyang mga pasaway na estudyante.

Siguradong mawiwili ang mga nanay at kanilang mga anak na panoorin ang exciting na soap na ito na hindi lang puno ng action at adventure kundi hitik din ng aral para sa mga kabataan.

Samantala, nagsimula nang ipalabas ang Afternoon Prime soap na “Haplos”, na tungkol sa dalawang magkapatid (Sanya Lopez at Thea Tolentino) na may healing at destructive powers through their touch.

Bukod dito, inaabangan na rin namin ang pagbabalik ng “Lip Sync Battle Philippines” na isa sa pinakamasayang musical reality competition ng bansa.

Isa ring napapanahong regalo ang ihahatid ni Sen. Manny Pacquiao sa kanyang inspirational program na “Stories for the Soul”.

Kakaiba nga ang gimik ni Pacman sa show niyang ito, na siguradong marami ang makaka-relate at matutulungan.


Meanwhile, matutuwa na rin ang mga sumubaybay ng top-rating na programa ni Primetime King Dingdong Dantes, ang “Alyas Robin Hood” dahil mapapanood ng muli ito sa GMA Telebabad.

Nabitin talaga kami sa finale nito early this year.

Marami talaga ang naka-miss sa adventures ni Pepe. Marami pang mga exciting, bigatin, nakakaintriga at kaabang-abang na upcoming shows ang Kapuso Network, kaya samahan ninyo kami sa pagtutok mula Lunes hanggang Linggo. 

SHARE