Una sa Balita

Marian benta sa mga boylet ang pagpapaboso

By
0 11,176

Napatili si Anne Curtis ng ‘Graaaaabe! Sheeeeeexxxxxxy!’ dahil sa sexy photo na pinost ni Marian Rivera sa kanyang Instagram account.

Actually, hindi nga masyadong expose ang abs ni Marian, dahil one piece na swimsuit na kulay pula ang suot niya, at hindi tulad ng madalas niyang suotin na 2-piece bikini na lantad na lantad talaga ang alindog niya.

Pero, ang kaibahan lang kasi, nasa gilid ang pa-effect ng 1-piece swimsuit ni Marian. Medyo labas kasi ang gilid ng kanyang boobey. At siyempre, walang suot na bra ang misis ni Dingdong Dantes, kaya kitang-kita ang porma ng kanyang boobs.

Abante Hiring – IT dep

Umabot na sa mahigit 253,000 likes ang hinamig ng photo na ‘yon ni Marian. At bukod kay Anne, napasigaw rin ang mga kapwa niya artista na tulad ni Kim Domingo, Joyce Ching, Sef Cadayona, Shyr Valdez, Ralph Noriega, at marami pang iba.

Ang dami ngang boylet ang makikita mong nag-comment sa sexy photo na ‘yon ni Marian. Iba nga kasi ang dating ni Marian, na kahit madalas namang mag-post ng sexy photo niya sa social media, palaging may panggulat kapag umeeksena ulit siya.

Say pa ng mga fan, ang katawan ni Marian ang tunay na seksi, na walang edit, walang filter, na talagang pinaghirapan para mapanatili ang kaseksihan, at siyempre hindi dumaan sa retoke, o liposuction.

Dawn super fresh, daig pa ang mga bagets sa kaseksihan

Magsi-singkuwenta anyos na si Dawn Zuleta, pero parang pang-teenager pa rin ang kaseksihan niya. I mean, sobrang fresh, at hindi nakakahiyang irampa, ha!

Ang mga kapwa niya seksing sina Anne Curtis, MJ Lastimosa, at marami pang iba, ang nagsabing walang kupas, at hindi nagbabago ang alindog ni Dawn.

Iba nga raw si Dawn. Hindi talaga pinabayaan ang katawan at mukha.

Kaya naman kahit dagsa na ang mga artista ngayon, sangkatutak pa rin ang TV at movie offer sa kanya. Dahil bukod sa kagandahan, kaseksihan, mahusay na aktres at professional katrabaho si Dawn.

Kaya nga sa edad niya ngayon, kinukuha pa rin siyang model para sa isang summer campaign, ha!

Contessa sa Pangasinan

Makikisaya ngayon (May 2) sa Calasiao Town Fiesta sa Pangasinan ang ilan sa mga artista ng Contessa na sina Jak Roberto at Phytos Ramirez.

Parehong bongga ang role nina Jak at Phytos sa Contess, dahil si Jak ay may pagmamahal kay Contessa na si Glaiza de Castro, samantalang si Phytos ay lihim na tagapagpaligaya naman sa karakter ni Gabby Eigenmann. Taray, ‘di ba?

Sila nga ang mga lalakeng ang role sa buhay ay paligayahan ang mga kasama nila.