Una sa Balita

Marian, Alden sa TWAC

By
0 874

Nagdiriwang nga­yong buwan ng third anniversary ang Sunday Pinasaya at maraming followers ng programa na nga ang nag-aabang sa guesting ng ilan sa mga host nito sa late-night talk show ni Igan na Tonight with Arnold Clavio (TWAC).

Ito ay matapos ibahagi ni Igan sa kanyang IG account ang ilang photo at video during the taping for the said episode kung saan sina Marian Rivera at Alden Richards lang naman ang guests niya.

Kasama pa sa nasilip naming mga pangalan ang ibang SPS hosts na sina Lovely Abella, Kim Last, Boobsie Wonderland, at Taki Saito. Tiyak na masaya ang episode na ito lalo na’t maraming pakulo si Igan sa kanyang guests every week. Mapapanuod ang TWAC sa GMA News TV tuwing Miyerkoles ng gabi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy