Una sa Balita

Mariah Carey kinabog si Jason Statham sa ‘Bottle Cap Challenge’

0 371

Nag-viral ang “Bottle Cap Challenge” ng singer na si Mariah Carey dahil sa kakaibang paraan niya na matanggal ang takip ng wine bottle – sa pamamagitan ng kanyang matinis na boses.

Nagsimula ang “Bottle Cap Challenge” sa UFC fighter na si Max Holloway nang i-accept niya ang challenge mula kay Errolson Hugh. Every challenge requires participants to spin-kick the cap from a bottle top in one smooth motion, without knocking over the bottle itself.

Pero iba ang drama ni Mariah sa challenge na ito. Suot pa niya ay isang form fitting dress kunsaan hubog na hubog ang kanyang tiny waist at labas pa ang cleavage ng dibdib. Minimal lang ang makeup niya at maging ang buhok niya ay naka-natural curls lang.

Pumorma pa si Mariah na akala mo ay idadaan sa spin-kick ang pagtanggal ng bottle cap, pero biglang nilabas nito ang kanyang 5-octave range pitch at biglang tumilapon ang takip ng bote. Umabot na sa 2.5M ang views nito sa IG.

Kinabog nga ni Mariah ang ilang celebrities na successful sa “Bottle Cap Challenge” tulad nina Jason Statham, John Mayer, Ellie Gouldin­g, Diplo at Justin Bieber. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy