Una sa Balita

Maria Laroco nagkuwento ng karanasan sa ‘X-Factor UK’

0 335

Guess what? Nabigyan ng pagkakataon ang Abante na maka-panayam ang Filipino representative sa “X-Factor 2018 UK” na si Maria Giedie Maureen Laroco.

Ikinuwento ng batang singer ang kanyang experience sa pagsali sa nasabing kompetisyon. Ang paglahok sa “X-Factor UK” ay isa sa pinakamalaking bles-sing na dumating sa kanila ng kanyang pamilya.

Ayon kay Maria, sinubukan lamang nilang magpasa ng audition video via online dahil nabalitaan nilang maaari nang mag-audition kahit Pilipino sa naturang international competition.

“And then luckily, I passed, they sent us an e-mail saying na I got in, that they are inviting me to perform sa UK, sa London” masayang kuwento ni Maria.

Naniniwala si Maria na tadhanang makapasok siya sa “X-Factor UK” dahil bago pa man siya makapasa sa online audition nito, may sinalihan din siyang singing competition sa Makati kung saan nanalo siya ng dalawang ticket papuntang London at kasunod nga noon ay nakatanggap naman siya ng magandang balita mula sa naturang show.

Kuwento pa ni Maria, mga apat na audition pa ang pinagdaanan niya bago talaga makatapak sa entablado ng “X-Factor UK” kaya labis talaga ang kanyang saya dahil bukod sa nakapasok siya sa mara-ming screening ay nai-represent pa nga niya ang Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang talento.
“Nag-mature po ako dahil sa X-Factor,” dagdag pa ni Maria.

Maliban sa “X-Factor UK”, sumali na rin noon si Maria sa “The Voice Kids” kung saan ka-batch niyang lumahok sina Lyca Gairanod, Darren Espanto at coach niya rito si Lea Salonga. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy