Una sa Balita

Margareth suki ng beauty contest

By
0 288

Ang maganda at kontesera na si Margareth Louie Alcala na taga-Rodriguez, Rizal ang candidate #2 at isa sa pinakabata sa “Abante Babe, Ganda Mo, Teh!”

Sa edad na 18, nagbibilang na siya ng mga beauty title tulad ng Bb. San Isidro, Trade and Industry 2017, Bb. Kasiglahan 2018, Bb. San Isidro Tourism 2018, at Edvher Collection Fashion show 2nd runner-up.

Sa height niyang 5’5” at sukat na 34-24-36 ay tamang-tama para makamit ang pangarap na pagsali sa prestihiyosong Binibining Pilipinas at maging beauty queen gaya ng idolo niyang si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Rumaraket man sa beauty contest, priority ni Margareth ang kanyang pag-aaral na kasalukuyang Grade 11 sa Eastern Valley School under strand STEM.

Certified K-drama addict din siya at favorite K-actor niya ay si Jong-suk. Si Ronnie Alonte ang crush niyang local artist.

Sa mga gustong sumali para maging Abante/TONITE Babe para sa buwan ng September, ipadala ang inyong close-up at whole body picture, biodata sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Para iboto si Margareth Alcala, Abante Babe #2, gupitin lang ang article na ito (70% ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, address at telepono.

Ipadala ito sa Abante office sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Avenue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante reader buwan-buwan at may tsansang makapanood sa grand coronation. Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Management Services hanggang sa second degree of consanguinity.

Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante Facebook page, AbanteTNT sa Instagram.

Para masilip ang ibang larawan ni Margareth, dumalaw sa website na www.abante.com.ph.